Ilan pang Pinoy drug mules ang kailangang bitayin bago...
ISANG Pilipina na naman ang bibitayin ngayong araw sa China sa salang pagpuslit ng droga. Limampung gramo lang ng illegal substance ang mahuli sa China, death sentence na agad. Ang Pilipina at ang pinsang lalaki ay nahulihan ng 13 kilo ng heroin, kaya ini-schedule na agad ang parusa. Noon lang Disyembre 2011 ay binitay din ang isang Pinay na nagpuslit ng anim na kilo ng heroin.
Sa China, matapos i-firing squad ang death convict, sinisingil ang pamilya ng halaga ng bala; kung hindi magbayad, hindi ire-release ang bangkay. Dahil sa lupit ng batas at kahiyaang sinasapit, umiiwas ang mga Tsino sa krimen.
Samantala, patuloy ang pagsuway ng mga Pilipino sa batas ng ibang bansa. Hindi lang sa China nagpapataw ng death sentence sa drug trafficking, kundi pati sa Singapore, Malaysia, at mga bansa sa Middle East. Kung akala ng mga Pilipino ay malamya ang pulis at maaareglo ang korte sa mga bansang ‘yon, tulad ng sa Pilipinas, maling-mali sila.
Ani Sen. Tito Sotto, hayaan na lang ang China na bitayin ang Pinay ngayong Martes. Huwag na raw pag-aksayahan ng oras nina President Aquino at VP Binay na ipa-life sentence na lang. Ito’y para magsilbing leksiyon daw sa iba pang kababayan na dapat sila sumunod sa batas.
Hindi maaring hayaan ang pagbitay sa ating kabaÂbayan dahil labag ito sa patakaran ng Pilipinas. Wala tayong death sentence, kaya iginigiit din natin ito sa mga dayuhan.
Ganunpaman, dapat talaga tayong matuto na ang mali ay mali, saan man ito gawin. Hindi puwede ikatuwiran ang kahirapan para magnakaw sa Pilipinas, o kaÂya’y mag-undocumented worÂker sa abroad. Mapaparusahan at mapaparusahan tayo, maski matagal ito mangyari.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest