^

PSN Opinyon

AIDS: Safe ka ba?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MULA pa noong 2008, dumarami na ang Pilipinong nagkakaroon ng HIV-AIDS. Ayon kay Dr. Alberto Romualdez, nakababahala ito dahil magastos at matagal ang gamutan sa pasyenteng may AIDS. Kapag lumala ang AIDS epidemic, posibleng malubog ang bansa natin sa utang.

Ano ang HIV infection at AIDS?

Ang sakit na ito (mula sa HIV virus) ay nag-uumpisa bilang HIV infection, kung saan ang pasyente ay wala pang nararamdaman. Pagkalipas ng ilang taon, posibleng tuluyang sirain ng HIV virus ang immune system ng katawan. Kapag bumagsak na ang resistensya ng pasyente, magkakaroon na ng sintomas ng paglalagnat, pag-uubo at pamamayat. Ito na ang tinatawag na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

 Hanggang ngayon, wala pang permanenteng lunas para sa AIDS. Ang mga gamot sa AIDS tulad ng ARVs (anti-retroviral medications) ay nagpapabagal lamang ng pag­lala ng AIDS. Karamihan ng pasyente ay namamatay pa rin.

Saan nakukuha ang AIDS?

Dahil dito, mas mahalagang matutunan natin ang pag-iwas sa HIV virus. May tatlong paraan kung paano nakukuha ang HIV virus.

1. Sa sex. Puwede kang mahawahan kapag ika’y nakipag-sex sa isang taong positibo sa HIV virus. Sa mga hindi gumagamit ng condom, halos 80% ng kaso ng HIV-AIDS ay nagmumula sa unsafe sex.

2. Paggamit ng karayom. Ang mga drug addicts na naghihiraman ng mga needles at injections ay puwedeng magka-AIDS. Ang pagsasalin ng hindi malinis na dugo ay isang paraan din (infected blood via blood transfusion).

3. Pagpapanganak at pagpapasuso ng sanggol. Kapag ang nanay ay positibo sa HIV virus, puwede niyang

 maipasa ang HIV sa kanyang sanggol. Kailangan magpa-check ang nanay at mabakunahan ang kanyang sanggol.

Ayon sa Department of Health, may limang paraan para makaiwas sa AIDS:

A: Abstinence. Umiwas muna sa sex.

B:  Be faithful sa iyong asawa.

C: Careful sa sex. Guma­mit ng condom kung ki­na­kailangan.

D: Don’t share needles. Umiwas sa drogang ini-injection sa katawan.

E: Education. Alamin ang paraan para makaiwas sa HIV-AIDS. Mag-ingat po tayo.

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

AIDS

ALAMIN

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ALBERTO ROMUALDEZ

HIV

KAPAG

UMIWAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with