Demoralisasyon
KAMAKAILAN, inihayag ni Presidente Benigno “Noynoy†Aquino ang pagbibigay ng tig-sampung libong pisong anniversary bonus sa mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng ika-115 anibersaryo ng kagawaran.
Marami ang napailing at nagsabing paano naman yung ibang departamento na hindi tumatanggap ng ganyang bonus kapag nagdiriwang ng anibersaryo?
Ang depensa ni P-Noy, mayroong P16-bilyong savings ang DPWH at ang pagbibigay ng bonus ay pagkilala sa magandang performance ng DPWH. Sa ilalim daw ng liderato ni DPWH Secretary Rogelio Singson, nabura na ang mga “tongpats†at iba pang anomalya sa departament. Nasugpo na raw ang mga “under-the-table†deals na noong araw ay sumira sa imahe ng DPWH.
Hindi ko minamasama ang pagbibigay ng insentibo sa magandang performance pero sa palagay ko lang, kung hindi ito gagawin sa ibang departamento ay magdudulot ng malaking demoralisasyon na makakaapekto sa operasyon ng pamahalaan. Tiyak na magtampo ang empleyado sa ibang departamento ng pamahalaan.
At nangyari nga ang pinangangambahan nang marami. Nagdaos ng anibersaryo ang Department of Health (DOH) at dismayado ang mga empleyado. Walang bonus na inihayag ang Presidente.
Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan lang ng Presidente ang magandang nagawa ng DOH at mga kawani nito. Okay ang recognition at pasasalamat. Nakakapag-angat din iyan ng moral. Ang masaklap lang, may preÂcedent na inumpisahan ang Presidente na dapat sana’y hindi lamang para sa isang tanggapan kundi sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Hindi bale sana kung DPWH lang ang matinong departamento pero mayroon din namang iba na mabuti ang pamamalakad.
Ang DOH ay hindi naman maaakusahan na tatamad-tamad sa gawaing pangalagaan ang kalusugan ng bansaÂ.
Very visible ang departamento sa tuwing may mababalitang bagong karamdamang mula sa ibang bansa o kaya ay tungkol sa pagÂlaganap muli ng sakit na dengue.
Harinawang hindi masiraan ng loob ang mga kawani ng DOH. Just keep up the good job at Diyos ang bahalang magpala sa inyo.
- Latest