US hindi maaasahan sa giyera sa China
SA MUTUAL Defense Treaty ng US at Pilipinas, obligado sila tumulong kung magka-giyera ang isa. Pero sa girian ng Pilipinas at China, umiiwas ang US sa kanyang pangako. Kesyo sasaklolo lang sila sa Pilipinas kung lusubin ang teritoryo nito, pero wala silang papanigan kung ang pagmulan ng gulo ay ang pinagtatalunan pang Spratly Islands.
O hayan, inagaw na ng China ang Scarborough Shoal. Ano ang magiging aksiyon ng America?
Malinaw na bahagi ng Pilipinas ang shoal -- mababaw na tubig-dagat na pinalilibutan ng bato at bahura. Katunayan na pag-aari ito ng Pilipinas ang mga sinaunang mapa. Sa “Carte Hydrographica y Chorographica de las Islas Filipinas,†nilimbag nu’ng 1734, tinawag ang Scarborough na Panacot Shoal. Sa sumunod na mapa na nilimbag sa Madrid nu’ng 1808, batay sa Malaspina expedition ng 1792, bahagi ito ng teritoryong Pilipinas bilang Bajo de Masinloc. Sa topographic map na ginuhit nu’ng 1820, bahagi ang Bajo Scarburo ng probinsiya ng Sambalez (Zambales). Sa dalawa pang mapa -- ang “Mapa General, Islas Filipinas, Observatorio de Manila†ng dekada-1910, at ang “US Coast and Geodetic Survey†ng dekada-1920 -- sinali ito sa Pilipinas bilang Baju de Masinloc.
Hindi bahagi ng Spratlys ang Scarborough. Malinaw na teritoryo ito ng Pilipinas. At ang pag-agaw dito ng China nu’ng 2012 ay isang panlulupig.
Pero may bagong palusot ang America para hindi pumanig sa Pilipinas. Kesyo raw hindi naman mainland Philippines, kundi mga bato’t bahura lang sa karagatan, ang sinakop.
Hindi maaasahang kaalyado ang America. Iniisip lang nito ang saÂriling interes. Gan’un din dapat ang trato natin sa kanya.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest