Many ways to skin a cat
TUMANGGAP ako ng e-mail mula sa isang masugid na reader sa Nueva Ecija hinggil sa umano’y pandaraya noong eleksyon sa lungsod ng San Jose. Seryosong isyu ito. Nakataya ang kredibilidad ng halalan. Hindi ko na papangalanan ang guro at school principal na inaakusahang kakutsaba sa pandaraya. Tutal, ipinagharap na sila ng karampatang reklamo. Isa pa, ang dalawang akusado ay instrumento lamang ng mga nasa kapangyarihan na talagang dapat panagutin kapag napatuna-yang nagkasala.
Ang computerized elections ay mahirap manipulahin pero gaya ng kasabihan ng mga Kano: “There are many ways to skin a cat.†Sa coverage ng eleksyon noong Mayo 13, naglutangan ang mga report hinggil sa distribusyon ng mga pre-shaded ballots upang bago pa man piliin ng botante ang kanyang “manok†may nakatatak nang kandidato sa balota. Mayroon ding mga insidente ng pamimili ng boto na ang ilan ay nakunan pa ng video. Sa ibang kaso naman, may mga reklamo na sa loob mismo ng polling places ay may mga nakalagay na mga sample ballots na mahigpit na ipinagbabawal ng omnibus election code.
Kinasuhan sa COMELEC ang guro at principal ng kasong paglabag sa election code. Ang complainant ay sina Mario Salvador na tumakbo sa pagka-alkalde at Orlando Paulino na tumakbo sa pagka-konsehal. Ayon kay Paulino, nang siya ay nasa presinto, napansin niya na maraming sample ballot ng katunggaling Belena Team sa bawat mesa. Ang Belena team ang partido ng incumbent Mayor Marivic Belena na tumakbo para sa kanyang pangatlo at huling termino.
Hindi nakilala ng guro ang Konsehal. Nagtanong kunwari ang konsehal kung papaano ang pag-shade sa
balota at pinayuhan siya ng guro na tularan na lamang ang naka-shade sa sample ballot. Dito na raw nagpakilala ang konsehal na tumawag ng para-legal. Kinunan ng video ang mga sample ballot na nasa pag-iingat ng guro bilang ebidensya. Kasunod nito dumating naman ang inakusa-hang principal at pilit kinukuha ang kopya ng kanilang pinirÂmahan protesta. Hysterical daw ang principal at ipinangalandakan pa na may appointment paper siya ng Belena Team. Naku, tila lalung nadiin ang principal sa sinabi niyang yaon!
Isa lamang maliit na insidente iyan sa ating bansang napakalaki. Palagay ko, kailangang bumuo pa ng mara-ming safety measures laban sa ganyang uri ng manipulasyon. Dapat ding sumailalim ang lahat ng gumaganap ng tungkulin sa halalan tulad ng mga teachers sa seminar upang malaman ang itinatadhana ng election code. Sa paÂÂraang iyan, mangingilag na ang sino man na makipag-kutsaba sa sino mang kandidato.
- Latest