Edukasyon para sa mga kasambahay
ANG pagkakaroon ng edukasyon ay karapatan na kinikilala ng Konstitusyon at ng mga kaukulang batas. Ang edukasyon, bilang malaking pantulong sa pag-unlad sa buhay ay para sa lahat ng mamamayan ano man ang kanilang sitwasyon.
Alinsunod dito, ang mga kasambahay (yaya, cook, hardinero, maid, driver at iba pang katuwang sa mga gawaing bahay) ay dapat binibigyan ng kanilang employers ng pagkakataon na makapag-aral.
Ito ay malinaw na nakasaad sa Batas Kasambahay (Republic Act 10361) na pangunahing iniakda ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada sa pamamagitan ng kaniyang pinamunuang Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE). Base sa Section 9, Article II (Rights and Privileges) ng nasabing batas: “employer shall afford the domestic worker the opportunity to finish basic education and may allow access to alternative learning systems and as far as practicable, higher education or technical and vocational training… the employer shall adjust the work schedule of the domestic worker to allow such access to education or training without hampering the services required by the employer.â€
Binigyang-diin din ni Jinggoy ang nakasaad sa Section 2, Article 4 ng Convention 189 (Convention Concerning Decent Work for Domestic Workers) na nilagdaan at niratipikahan ng iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas, “Each Member shall take measures to ensure that work performed by domestic workers who are under the age of 18 and above the minimum age of employment does not deprive them of compulsory education, or interfere with opportunities to participate in further education or
vocational training.â€
Ayon kay Jinggoy, dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga kasambahay na makapagtapos ng kahit man lang eleÂmenÂtarya at high school upang sila ay maging mas produktibo, maging mas matatag ang kuwaÂlipikasyon nila sa trabaho at mas magkaroon sila ng kakayahang paunlarin ang kanilang buhay.
Ito aniya ay malaking tulong ng mga employer sa pag-unlad ng kanilang mga kasambahay.
- Latest