Plagiarism pa rin?
WALA raw talagang originality si Sen. Tito Sotto na sa mga nakaraang panahon ay lagi na lang binabato ng akusasyong pangongopya o plagiarism. Sabi ng barbero kong si Mang Gustin “pati ba naman ang pagbibitiw ni Senate President Juan Ponce Enrile ay kinopya!†Huwag namang magagalit si Tito Sen. Joke lang po. Hahaha.
Dumako naman tayo sa seryosong anggulo ng isyu. Nagulantang tayo nung araw ng Miyerkules sa biglaang pagbibitiw ni Sen. Juan Ponce Enrile bilang pinuno ng Senado. Kinabukasan, nagbitiw na rin sa pagka-Senate majority leader si Sen. Tito Sotto.
Tumpak at marangal na hakbang ang ginawa ng dalawang magiting na Senador. Tama si Enrile nang sabihing mas may dignidad ang magbitiw kaysa mapalitan. At iyan naman ang tiyak na magaganap porke ang mayorya sa Senado ngayon ay mga kapanalig ng Pangulong Noynoy. Nakita naman natin kung paano dinikdik ng mga pro-PNoy senators si Enrile kaugnay sa hindi umano patas na pamamahagi sa mga senador ng pondo ng Senado na kung tawagin ay maintenance and other operating expenses. Kahit bago mag-eleksyon ay ipinalutang na ang isyung ito kaya sinabi ni Enrile na pati kandidatura ng kanyang anak na si Jackie ay naapektuhan.
Hanggang sa pagbibitiw ni Enrile ay binabatikos pa rin siya ng mga detractors niya sa Senado tulad ni Sen. Trillanes na nagsabing “theatrical†lang ang ginawa ni Enrile. Well, ano man ito sa paningin ng mga kalaban ni Enrile, para sa akin, marangal na hakbang ito kasama na ang pagsunod ni Tito Sotto. Ganyan ang pulitika at dapat tanggapin ang katotohanang iyan. Wika nga, parang gulong. Noong nakaraan ay sila ang mayorya ay ngayo’y napalitan na sila.
Ani Sotto hindi masasabing wala nang halaga ang kanyang pagbibitiw sa huling araw ng sesyon dahil tapos na ang trabaho ng mga senador sa 15th Congress.
Aniya kung walang halaga ang kanyang pagbibitiw, dapat ay ginawa na niya ito kasabay ng pagbibitiw ni Enrile. Pero kung magkagayon, mabibitin aniya ang mga panukalang batas na naka-kalendaryo kahapon.
- Latest