‘Kuwarto o Kuwatro’?
BINABALAAN ng BITAG ang mga kolehiyala at mga magulang ngayong pasukan! Kayo ang target ng mga “predator,†o mga mapagsamantala at manyakis na namumuno sa mga paaralan.
Sila ‘yung mga may katungkulan sa kolehiyo at unibersidad na ginagamit ang kapangyarihan para mang-abuso para sa sariling satispaksyon! Estilo sa imoral na aktibidades na ito ang pagmarka sa mga target victim habang isinasagawa ang screening interview bilang bahagi ng enrollment period.
Lingid sa kaalaman ng ilang enrollees, kinikilatis at pinag-aaralan na pala sila ng mga demonyo’t manyakis para sa kanilang mga kawalang-hiyaan! Pangunahing inaalam ng mga putok sa buho ang estado at economic profile, tirahan ng estudyante -- kung nakatira ba ito sa dormitoryo o kasama ang mga magulang at ang mga kahinaan at kalakasan nang bi-BITAG-in nilang mag-aaral.
Kadalasan sa gumagawa nito, mga propesor at dekano na kayang manipulahin ang sitwasyon sa ilalim ng kanilang kapangyarihan. Sa madaling sabi, “kuwarto o kuwatro!†“Kuwatro,†tatanggapin na lang ng isang estudyante ang failing grade sa subject o “kuwartong†alok ng propesor o dean kapalit ang passing grade. Ganito ang sumbong na inimbestigahan at idinukumento ng BITAG! Isang dean sa pribadong unibersidad sa Metro Manila na nanamantala sa kanyang estudyante!
Reklamo ni “Cathy,†binaboy at siniraan siya sa social networking site Facebook ni Dean Alexander Rible, matapos siyang kumagat sa pain nitong “Kuwarto.†Dahil sa matinding sakit ng kalooban at kahihiyan, agad siyang nagtungo at nagsumbong sa aking tanggapan. Sa katapus-tapusan, hulog sa BITAG ang gunggong na dean! Kasalukuyang dinidinig pa sa korte ang mga kasong isinampa ng biktima laban sa kanya.
Abangan ang buong detalye sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com.
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5. Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10:00 ng gabi sa PTV4.
- Latest