‘Kidnap me (?)’
ANG mga anak ay parang parte ng ating katawan. Kung ano ang mahina at madalas sumakit, yun ang pinagtutuunan natin ng pansin pero ‘di ibig sabihin nito balewala na ang iba.
Walang makapagsabi kung kanino siya sumama. Isang pangalan lang ang tinuturong maaaring may alam kung nasaan siya… si “Kuya Tangkadâ€.
“Basta parang may inaabangan daw siya sa kanto. Hindi naman nila alam kung sino?†wika ng inang si ‘Rhea’.
Ganito raw tinanaw ni ‘Debby’ ang kaibigang si Ma. Leonor Aguinaldo o “Loryâ€, 18 anyos sa kanto ng Deva Village at Morning Sun, San Miguel Taguig… isang hapon bago ito maglaho.
Walang maisip na dahilan si Ma. Rhea Aguinaldo, 35 anyos para ‘di umuwi ng bahay ang panganay na si Lory. “Hindi naman siya puwede magtanan. Kasama namin sa paghahanap ang boyfriend niya. ‘Di ko tuloy maiwasan isiping baka dinukot siya ng sindikato!†pangamba ni Rhea.
Pito ang anak ni Rhea. Ayon sa kanya maliit man ang kita ng asawang si Leonardo “DonDon†bilang isang ‘electrician’, wala siyang anak na naging pasaway maliban kay Lory na amindo siyang may pagka-pilya.
“Nung hayskul siya sa totoo lang pinakiusap ko lang siya para maka-graduate,†kuwento ng ina.
Nagbago na naman daw si Lory ng matapos ng hayskul. Hindi agad nakapagkolehiyo ang anak subalit pumasok siya sa iba’t ibang ‘vocational courses’. Una siyang naging scholar ng Philippine War Veterans Foundation Inc. sa Taguig. Tinuruan siya rito maging ‘computer technician’.
Sumunod naman sa Meralco Foundation Inc. (MFI), Pasay at Klick Academy sa Wawa, Taguig kung saan computer courses din ang tinuturo.
Nitong huli Abril 2013, naghanap ang kanilang barangay ng mga iskolar na gustong mag-aral ng ‘commercial cooking’, proyekto ng Save the Children Foundation.Tumutulong sa mga ‘out of school youth’ (mga hindi nag-eeskwela).
Isa si Lory sa mga napili ng barangay kasama ang ilan pa niyang kaibigan na si Liezel, 19 anyos at Debby, 18 taong gulang. Lunes at Huwebes ang pasok nila.
Ika-23 ng Mayo 2013, 8:00 AM ng nagpaalam si Lory na a-attend ng 3-Day Seminar (Training on Life Skills) sa Legend Villas, Mandaluyong City.
Ayon kay Rhea, hindi niya pinapayagan si Lory sa mga ganitong seminar subalit sa pagkakataong ito pinagpaalam si Rhea. Wala nun ang amang si DonDon kaya’t si Rhea na ang nagdesisyon. Pinayagan niya ang anak.
Parehong araw, 9:00 AM, nagkitakita ang mga scholars sa barangay at sinundo sila ng mga taga Save the Children. Ka-‘roommate’ ni Lory sina Liezel at Debby. Kuwento nila, masaya si Lory ng mga panahong yun. “Inaasar pa nila ang anak ko, niyayakap-yakap dahil nga may katabaan…†kwento ni Rhea.
Sabado, 4:30PM umuwi si Lory galing seminar. Binaba nito ang dalang ‘bag’ sa kama at nagmano kina Rhea at Dondon. Sabay nagpaalam, “Ma, sandali lang ah aalis lang ako. Ihahatid ko lang sa labasan sina Leizel at Debby.â€
Alas siete na ng gabi hindi pa bumabalik si Lory. Tinext ni Rhea ang anak, “Nak, san k n? Kdrting mo lng lumayas ka na nmn. Uwi k n hnap k n ng papa mo!†Wala siyang natanggap na ‘reply’.
Sumapit ang 10:00PM wala pa rin si Lory kaya’t nag-alala na si Rhea. Unang beses daw na ganito ang inasal ng anak. “ ‘Pag galing siyang seminar nagkukuwento siya agad… ngayon lang siya ‘di nagkwento,†sabi ng ina.
Umaga na wala pa rin si Lory, tinanong na niya ang mga kaibigan nito subalit walang makapagsabi kung nasaan siya. Maging ang boyfriend nito na si Orlando“Orly†Macala, 27 anyos tinext si Lory subalit ‘di rin ito nagre-reply.
Nagkaroon ng pagkakataon si Rhea na kausapin ang nga huling nakasama ng anak bago ito mawala. “Tinanong ko kung may nabanggit ba si Lory na may problema siya…†ani ng ina.
Kuwento nila Debby at Liezel, wala raw silang napansing kakaiba sa kaibigan nung nasa seminar maliban sa panay text nito. Nakita nila ang pangalang “Kuya Tangkad†sa ‘screen’. Hindi naman raw nila inusisa kung sino.
Kuwento raw ni Debby, pagkahatid sa kanya ni Lory sa bahay sinabi nitong dadaan siya sa kaibigan nilang si ‘Danica’ taga Wawa. “Sama ako,†sabi daw ni Debby subalit tumanggi raw si Lory at biglang nagbago ang isip.
“Sa ibang araw na lang pala ako pupunta,†sagot nito sabay paalam kay Debby. Pumasok na ng bahay si Debby, ilang sandali lumabas siyang muli. Natanaw niya si Lory na nasa kanto ng Deva Villa. May ka-‘text’ at pakiwari niya may inaabangan. Binalewala naman niya ito.
Nagulat lang siya kinabukasan, nabalitaan niyang ‘di pa umuuwi ang kaibigan. Nagpunta sa pulisya si Rhea para i-report ang anak na nawawala (Missing Person). Ikinalat na rin nila ang larawan ni Lory at ipinaskil sa iba’t ibang lugar. Maging ang kamag-anak nila sa probinsya tumulong na sa paghahanap. Paulit-ulit nilang tinatawagan ang cell phone ng anak subalit kung ‘di ito nakapatay, magriring lang o hindi kaya ‘busy’.
May 28, 2013 may sumagot sa cell phone. Isang matandang babae. Hinanap nila si Lory subalit sagot nito, “Sinong Lory! Hindi ito si Lory. Number ko ito!†Sa kasalukuyan, hindi na matawagan ang cell phone ng anak.
Walang maisip na dahilan si Rhea para pagtaguan siya ni Lory. Giit niya kung may problema ito sa pamilya, ito’y ang madalas na pag-inom lang ng ama. Hindi naman daw sapat na batayan ito para siya’y lumayas.
Itinampok namin si Rhea sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahatâ€DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM / Sabado 11:00AM-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinaliwanag namin kay Rhea na ang gagawin namin ilalathala ang litrato ni Lory. Baka may mahikayat na magbigay ng impormasyon tungkol kung nasaan siya. Sa kabilang banda, ginising din namin siya sa posibilidad na ito’y 18 anyos na at ‘di imposibleng nagtanan ito. Sinagot kami ng isang tanong ni Rhea na kung gagawin niya ito bakit niya iiwan ang kanyang pitaka at damit? Hindi namin mabasa ang isip nitong dalaga at baka naman ito’y isang paraan para guluhin ang imbestigasyon ng kanyang pagkawala. Sumang-ayon si Rhea na kayang gawin ng anak na iwan ang kanyang boyfriend.
Para malaman natin ang tunay na dahilan o kung nasaan si Lory? Kami nakikiusap sa mga nakakakilala o nakakita sa kanya, ipagbigay alam sa amin ang kanyang kinaroroonan. Makipag-ugnayan lang sa mga numero sa ibaba. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Magtext sa 09213263166 (Chen)/ 09213784392 (Pauline) /09198972854 (Monique). Landline 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest