Saludo kay Jarius
Magandang araw at mabuhay ka, G. Jarius Bondoc pati na rin ang mga kasamahan mong manunulat sa Opinyon kolum ng Pilipino Star NGAYON.
Ako’y sumusuporta sa isinulat mong “Pintuan ng mga patay’’ ang Maynila. Mahal ko ang ating bansa at huwag sanang pagtakpan ang tunay nitong kalagayan ng iba nating kababayan.
Ito’y isang bilad na katotohanan. Hindi sa ako ay nagbibigay ng negatibong opinyon, kundi sang ayon ako sa isang bersikulo sa Bibliya, “The truth shall set you freeâ€. Ilantad ang katotohanan nang tunay na kalagayan ng Maynila at buong bansa. Ipamukha sa lahat ng mga opisyales ng national governÂment, silang tumatanggap ng pork barrel. Patunayan sana nila na hindi pera ang habol nila sa paghangad ng puwesto at kapangyarihan. Gawin sana nilang hamon ang pagbabago ng kalagayan ng Maynila at ng Pilipinas. Meron ding mahalagang gampanin ang ating simbahan sa mga mananampalataya kasama na ang iba pang mga kapatid sa ibang relihiyon.
Proud na proud ako rito sa Saudi Arabia na marinig o mabasa na umaangat na ang ekonomiya sa Pilipinas. Ngunit napakasakit sa aking kalooban na kimkimin ang bilad na katotohanan na ang karamihan sa ating mga kababayan ay naghihikahos. Hindi nila ma-feel ang pag-angat ng ekonomiya. Marami ang walang hanapbuhay. Isang bilad na katotohanan din ang kalagayan ng ating bansa sa usapin ng peace and order. Tumataas ang krimen dahil sa riding-in-tandem.
Maraming OFWs ang gusto na sanang umuwi ng Pilipinas para makapiling ang pamilya, pero mahirap mangyari ito. Mahirap kumita ng pera sa ating bansa. Mahihirapan na kaming makahanap ng trabaho diyan. Posible siguro na magnegosyo pero wala ring kaseguruhan dahil sa red tape sa pagkuha ng business permits. Sari saring problema na sana maging hamon sa mga newly elected government officials.
Sana matamasa ng bansa natin ang isang tunay na pagbabago at kaunlaran na mararamdaman at matatamasa ng lahat. — ED GAMBON, Riyadh, KSA, [email protected]
- Latest