^

PSN Opinyon

Benta ng ‘botcha’ krimen na: 12 taon ang kulong

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KRIMEN na ngayon ang pagbebenta ng “botcha,” o kar-neng “double-dead” ng maysakit na hayop kaya ipinuslit sa meat inspection. Sa ilalim ng bagong batas, makukulong ng anim hanggang 12 taon, at magmumulta ng P100,000 hanggang P1 milyon ang magkasala. Pinirmahan ni President Aquino nu’ng Mayo 15 ang Republic Act 10536, na nag-amyenda sa Meat Inspection Code ng 2004.

Pinakay ng Code na ilayo ang tao at hayop sa meat infection sa pamamagitan ng pag-inspeksiyon bago katayin ang baboy, baka, kalabaw, kabayo, kambing, tupa, manok, itik, at gansa. Inamiyendahan ito para protektahan ang publiko mula sa sakit na dulot ng marumi, napeste, at bulok na karne. Naglipana kasi ang mga kolorum na katayan, bilihan, at kainan ng karne na hindi lang nakakasira ng tiyan kundi nakaka-ospital pa dahil sa tinding epekto sa kalusugan.

Dati-rati, kumpiskasyon at administrative fines lang ang pataw sa mga nagkakasala. Pero ngayon matindi na. Bukod sa kumpiskasyon ay:

• Kung magkatay ng anumang hayop sa hindi rehistradong slaughterhouse, at sa malupit na paraan, ang parusa ay multang P50,000, P75,000, at P100,000 sa una, ikalawa, at ikatlong huli. Sa susunod pang huli ay suspendido ito nang dalawang taon.

• Sa pagbenta at pag-transport lang ng “botcha,” lalo na kung tinatakan pa ito ng etiketa, ang multa ay P200,000, P300,000, at P500,000 sa una, ikalawa, at ikatlong beses. Dalawang taon ding isasara ang negosyo sa dagdag pang paglabag, at pataas pang multa.

Pinalakas din ng batas ang National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture. At dahil krimen na ang pagbenta ng “botcha,” pati local governments ay maaring manghuli at magkulong.

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BUKOD

DALAWANG

DATI

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INAMIYENDAHAN

MEAT INSPECTION CODE

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

PRESIDENT AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with