^

PSN Opinyon

EDITORYAL - School supplies na may tingga

Pilipino Star Ngayon

SA Hunyo 3 ay pasukan na. Kamakalawa ay nagsagawa na ng Brigada Eskuwela ang Department of Education (DepEd) para masigurong handa na ang mga school. Nagsagawa ng paglilinis sa maraming public school sa bansa. Pati ang Philippine National Police (PNP) ay tumulong din sa paglilinis ng mga school at pag-aayos ng mga upuan ng estudyante. Sinisiguro ng DepEd na magiging maayos ang pagbubukas ng klase.

Habang abala ang mga opisyal ng DepEd at mga guro sa school opening, excited din naman ang mga magulang sa pagbili ng mga school supplies para sa kanilang mga anak na mag-aaral. Lahat nang gamit ng mga anak ay gustong makumpleto bago mag-umpisa ang pasukan. Walang tigil ang mga magulang sa paghanap ng school supplies na maaari silang makamenos na gastos.

Sa Divisoria, Recto, Carriedo, Cubao at Baclaran ay maraming school supplies na mura. Mas malaki ang kamurahan kung bibili sa mga kilalang bookstore o department store. Hindi lamang ang mga notebook, lapis, ballpen at krayola ang mura kundi pati na rin ang backpack, lunchbags at mga plastic water container.

Pero may babala ang Ecowaste Coalition sa lahat ng mga magulang. Mag-ingat sa pagbili ng school supplies sapagkat karamihan sa mga ito ay may taglay na tingga (lead). Ang tingga ay isang uri ng chemical na nagpapahina ng intelligence o nagpapabobo. Ayon sa Ecowaste, nakitaan nila ng mataas na concentrations ng lead ang mga school items na binili sa mga retail stores sa Maynila at Quezon City. Ang mga nakitang tingga ay nakaka-damage umano ng utak. Nakitaan nila ng level ng tingga na umaabot sa 5,752 ppm ang kiddie backpack at mga water jug o containers.

Nagpapaalala ang Ecowaste sa mga magulang na maging maingat sa pagbili ng mga gamit ng kanilang anak at baka maapektuhan ang development ng mga ito. Hindi nakikita ang tingga na nakahalo sa mga school supplies pero malaki ang idudulot nitong problema sa mga bata.

Ugaliin ang pagbusisi at pagsiyasat sa mga bibil­hing gamit para makatiyak na walang kahalong tingga.

BRIGADA ESKUWELA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ECOWASTE

ECOWASTE COALITION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SA DIVISORIA

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with