^

PSN Opinyon

Kaalyado ni Malapitan hinuli ng mga police

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SABIT as in inaresto ng pulisya ang apat na alipores ni Rep. Oscar “Oca” Malapitan, na gustung-gustong manalong alkalde sa Caloocan, dahil sa diumano’y pagpuslit ng mga important documents sa loob mismo ng tanggapan ng Commission on Elections District II, Caloocan City.

Ang mga sumabit at sinampahan ng sangkatutak na case problem ay sina Carmencita Simon, 41 yrs. old, Deputy Chief of Staff ni Rep. Malapitan, Kathleen Catalan, 24 years old, Kristine Losantas Desierto,  25  taon gulang, at Penny Lou Verzosa, 25 years old, pawang mga Congressional Staff ng kongresista.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si PO2 Eduardo Ronquillo ng Caloocan PNP ang siyang officer on case. Itinawag daw sa kanila ng COMELEC District II ang pagkawala diumano ng mga files sa kanilang tanggapan na nasa Ground Floor ng Cibu Building 1474 A. Mabini Street 1400 Caloocan City.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napatunganga daw ang ilang employees ng COMELEC ng busisiin daw ang mga files ng apat at lalo ng may mapansin ang mga kawani na may nawawalang mga mahahalagang files, kabilang ang Election Day Computerized Voters List sa kanilang office.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tanging ang nabanggit lamang na mga staff ni Malapitan ang naroon sa loob ng COMELEC office ng mag-disappear daw ang mga files ng Precinct Computerized Voters, hard copy na mga listahan ng mga botante ng nasabing place.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, like a speedy bullet daw naisinara ng mga empleyado ng COMELEC ang kanilang door upang mapigilan na tumakas ang apat na alipores ni Malapitan.

Hindi naman maipaliwanag ng mga staff ni Malapitan kung bakit nawawala ang mga dokumento.

Sinasabing sumugod diumano ang mga taga suporta ni Malapitan sa tanggapan ng COMELEC matapos na malaman nila ito,  kung bakit sila pumunta dito iyan sila- sila lang ang nakakaalam.

Si Councilor RJ Echiverri ang kalaban ni Oca sa pagka- yorme ng Caloocan,

Abangan.

* * * * *

Sangrekwang kaso vs. Rica Tinga, et al

SINAMPAL este mali sinampahan pala ng reklamo ng Taguig Police sa piskalya si Rica Tinga at mga kaalyado nito na may kinalaman sa kaguluhan last Saturday sa city hall na ikinasugat ng madlang people.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang reklamo ay dahil sa pagkakasugat sa apat na miyembro ng Taguig Public Order and Safety Office sa gulong sinimulan diumano ni Tinga at followers niya siempre kasama rin sa reklamo sina Kilusang Diwa ng Taguig vice mayoralty candidate Carlo Papa, Ervic Vijandre, candidate for councilor, KDT supporter Rolly Rabanal alyas Tanda at sangkaterba pa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang reklamo laban kay Tinga ay assault upon an agent in autho­rity; 2 counts of physical injury; resistance and disobedience upon an agent of a person in authority at qualified malicious mischief. at 2 counts of physical injury kina Papa, Vijandre, Rabanal at 40 pang John Doe.

May isinama pang reklamo kay Papa ang resistance and disobedience upon an agent of a person in authority and qualified malicious mischief.

Ang mga complainant na sina Eduardo Tanyag, 52; Jalaine Datumanong, 29; Ngura Malik, 33 at Jesus Garcia, 52.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CARLO PAPA

CARMENCITA SIMON

MALAPITAN

RICA TINGA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with