Dagul
SENATOR Kiko Pangilinan, ipakilala ko po sa inyo si Dagul, “The Incredibleâ€, namin dito sa Davao City. Bakit siya incredible? Mahabang istorya po yon at ang naging matinding dahilan nito ay ang iyong panukalang Juvenile Justice and Welfare Act na nilagdaan ni dating President Gloria Arroyo noong 2006.
Si Dagul ay isang siyam na taong gulang na batang lalaki na labas-masok na sa police station dahil sa salang pagnanakaw. Hindi na mabilang ang pagnanakaw ni Dagul ng anumang gamit, lalo na mga cell phone, laptops at maging pera.
Napakadulas ni Dagul at nagawa niyang pumasok sa mga bahay ng kanyang mga biktima na hindi siya namamalayan dahil nga sa sobrang liit at sobrang payat niya. Napakainosente tingnan ni Dagul. Napakaamo niya na talagang maaawa ka dahil nga sa bata.
Ngunit sa likod nang maamo at kawawang tingnan na mukha ng isang bata, si Dagul ay walang awang nagnanakaw sa mga kabahayan dito sa amin.
At nitong nakaraang Linggo ay nahuli na naman siya na pumasok sa loob ng bahay ng isa naming kapitbahay. Nabigla ang anak na babae ng aming kapitbahay nang nagising siya mga alas siyete ng umaga na nandun na sa loob ng silid niya si Dagul. At nang tinanong si Dagul kung bakit siya andun, ang sagot niya ay –--“nagtataguan lang kami ng bata’’.
Minsan nang kinupkop si Dagul ng mga opisyales ng Barangay Maa, ngunit sa halip na tumino, ninakawan niya ang barangay hall ng P7,000 cash.
At kinulong na rin ang nanay ni Dagul dahil nga hindi na matiis ng mga pulis ang pagnanakaw na ginawa ng bata. Hayun, wa epek pa rin at patuloy pa rin sa pagnanakaw si Dagul.
“Ikaw na naman?â€, ang parating nasasambit ng mga barangay tanod at ng mga pulis sa tuwing siya’y nahuhuli. Ilang ulit na siyang nadala sa presinto ng pulis ngunit nakakalabas din siya pagkatapos na i-turn over sa quick response team for women and children.
At sana paglaanan ni Kiko ng panahon na makapanayam niya si Dagul at nang maintindihan ng senador kung paano siya naging parte ng buhay ng batang ito na tinaguriang “Dagul, the Incredibleâ€.
Sana matanto ni Kiko kung ano ang nagawa ng kanyang Juvenile Justice and Welfare Act sa mga batang gaya ni Dagul. Ang nasabing batas ang nagbibigay ng lakas ng loob kay Dagul sa patuloy niyang panloloob sa mga bahay.
Sana makita ni Kiko kung paano tinatali ng batas niyang Juvenile Justice and Welfare Act ang kamay ng mga otoridad sa paghuli ng mga bata na kagaya ni Dagul. At dahil bata sila hindi ibig sabihin na hindi nila pananagutan ang krimen na ginawa nila.
- Latest


















