Programa para sa ‘urban renewal’ sa Maynila
PATULOY na dumarami ang humahanga at sumusuporta sa programang inilatag nina Mayoral candidate Joseph “Erap†Estrada at re-electionist Vice Mayor Isko Moreno para sa “urban renewal†sa Maynila. Ang natu-rang dokumento ay pinamagatang “Ang Sampung Ga-bay ng Pamumuno ng Tambalang Erap-Isko.’
Minabuti kong ilahad dito sa aking kolum ang kopya ng nasabing dokumento upang mabatid ng mga residente ng Maynila.
1. Maayos na pabahay at tiyak na tirahan sa loob mismo ng Maynila para sa mga informal settlers.
2. Lumikha ng karagdagang trabaho at mga proyektong pangkabuhayan para sa mga Manilenyo, na ayon sa huling UP Survey ay umaabot na sa diyes porsiyento o 160,000 na taga-Maynila ang walang trabaho.
3. Palawakin ang programang medikal at pangkalusugan lalo na ang pagsugpo sa AIDS/HIV at TB.
4. Palawakin ang mga programang pang-edukasyon sa lahat ng antas na abot-kamay lalo na ng mahihirap.
5. Gamitin ang kamay na bakal ng batas laban sa kriminalidad upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan.
6. Maglatag ng karagdagang hakbang ukol sa proteksiyon at kaligtasan ng mga kabataan at kababaihan at ibayong alalay sa senior citizens.
7. Magsagawa ng programang pangkalinisan para sa mga luntiang kapaligiran at wastong pagtatapon ng basura.
8. Pasiglahin at pagyamanin ang mga pamilihan, pantalan at tourist spots.
9. Sugpuin ang lahat ng uri ng korapsyon at ipatupad ang lantad na koleksyon ng buwis at gastusing pangpubliko.
10. Itatag ang Emergency Response Action Program (ERAP) upang maging hanÂÂda sa mga sakuna tulad ng sunog, baha at lindol.
Ayon sa nakakausap kong mga residente mismo ng Maynila ay eksaktong-eksakto anila ang natuÂrang programa upang ma solusyunan ang kasalukuyang mga problema ng lungsod at maisulong ang matagal nang hinahangad na pag-unlad ng mga residente.
- Latest