^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaya bumabagsak ang imahe ng PNP

Pilipino Star Ngayon

MARAMING manonood ang nagimbal noong Nobyembre 2010, nang masaksihan sa TV ang video ng isang hubo’t hubad na lalaking suspect umano sa pagnanakaw na nakahiga habang nami­milipit sa sakit. Nakahiga ang snatcher sa semento. Sa dakong uluhan ng suspect ay may isang nakaupong lalaki na may hinihilang mahabang tali. Kapag hinihila ng lalaki ang tali, napapahiyaw sa sakit ang suspect. Paano’y nakatali pala sa “ari” ng suspect ang dulo ng tali. Sa bawat hila ng tali ay napapahiyaw sa grabeng sakit ang suspect. Maiimadyin kung gaano kasakit ang ginagawa ng lalaking nakaupo sa suspect.

Napag-alaman na ang lalaking nakaupo at humihila sa tali ay si Senior Inspector Joselito Binayug, hepe ng Asuncion police community precinct sa Tondo, Maynila. Sinasabing ang kumuha ng video habang tino-torture ang suspected snatcher ay isa ring pulis na hindi na umano nakaya ang ginagawang pagpapahirap sa suspect. Ipinagkaloob ng pulis ang video sa Channel 2 kaya nabulgar ang pagpapahirap.

Makaraan iyon, agad na inimbestigahan ng Philippine National Police si Binayug. Ipinatawag din siya ng Senado at giniling. Noong Nob. 3, 2011, isang warrant of arrest ang nilabas ng Manila Regional Trial Court laban kay Binayug at sa anim pang pulis na naka-assigned sa Asuncion PCP. Pero bago pa maisilbi ang warrant of arrest, nagtago na umano si Binayug at iba pang pulis na kasangkot. Ang matindi pa, umano’y dalawa sa mga pulis na sangkot ay kamag-anak ni Binayug. Dalawang taon din nagtago si Binayug bago nadakip noong Lunes habang nagre-renew ng driver’s license sa LTO-Tayuman. Agad dinala sa Intelligence Group ng PNP si Binayug at tinakda ang pagharap nito sa korte.

Nakapagtataka naman kung bakit umabot ng dalawang taon bago nahuli si Binayug. Narito lang pala siya sa Maynila. Magkaganoon man, ang pagkakahuli sa kanya ay makapapawi rin kahit paano sa pagdududa na pinagtatakpan ng PNP ang kanilang miyembro na gumagawa ng kabuktutan. Maaring mabigyan na ng hustisya ang suspect na tinalian ang ‘‘ari”.

Maging aral naman sana sa ibang pulis ang nangyari. Hindi ganito ang inaasahan ng taumbayan sa mga pulis na ang motto ay “to serve and to protect’’. Hindi sana “shortcut” ang kanilang gawin para umamin ang suspect. Kaya bumabagsak ang imahe ng PNP ay dahil sa mga miyembro na pawang pagpapahirap, pangongotong at pag-salvage ang nalalaman.

 

ASUNCION

BINAYUG

INTELLIGENCE GROUP

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

NOONG NOB

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with