Ano ang paliwanag dito? (Unang bahagi)
BILANG kolumnista, kailan kaya kami makakapag-ulat ng headline na, “ELEKSIYON SA PILIPINAS 100% WAÂLANG PANDARAYA!â€. O di ba? Mula nang ako’y magsimula sa pamamahayag, halos 30 taon na ang nakararaan, wala pa yatang masasabi na eleksiyong walang nandaya at napatunayang nandaya. Kundi man napatunayang may nandaya ay nalalaman ng lahat na may dayaan pero walang may tiyaga na ipaglaban ang totoo.
Napakarami at napakalaki ng pangako ng computerized election. Eleksiyon na tinutulungan ng makina para “masigurado†raw na “mabilis, tama at tapat†ang bilang sa boto. Dahil alam ng lahat na dito sa Pilipinas, ang dayaan ay hindi sa botohan. Ang daya ay sa bilangan. Pero ang makina ay gamit lang. Ang nagpapaandar ng makina ay tao pa rin di ba?! Pinoy pa?
Siyempre maaasahan na makakahanap pa rin talaga ang mga gahaman ng paraan para makadaya di ba? Tao rin naman ang mga nagdisenyo at nagbenta ng mga PCOS machines na iyan. Tao rin ang mga taga- Smartmatic na na-ngonÂtrata sa gobyerno para sa sistema na ito. Tao rin ang kunÂwari nagbabantay sa transaksiyon na yan sa Smartmatic at tao rin ang kunwari nagbabantay habang botohan. Hellooo!?
Hindi lahat ng tao gahaman. Pero nagkalat at napakarami ang mandaraya na ipagkakanulo ang lahat at isasanla sa demonyo ang kaluluwa, kumita lang!
Panay ang sabi ng Comelec, “Ok na ang lahat para sa eleksiyon! Handang handa na ang gobyerno para sa eleksiyon pati PCOS machines okay na!â€. Kawawang Pinoy na walang kamuwang-muwang tungkol sa PCOS machines na yan! Ni hindi alam mismo ng mga taga media kung ano ang tatanungin at ano ang babantayan! E wala namang masyadong marunong sa mga teknikalidad na yan! Kaya itong maliit na grupo ng mga eksperto sa mga computer panay ngawa at namamaos na, hindi pa rin pinapansin ng Comelec! (Itutuloy)
- Latest