Gov. L-Ray binira ni P-Noy
KAHIT sa mga nakalipas na panahon, ginagawa na ng ilang politiko na maglabas ng mga posters na itinataas ang kamay nila ng Pangulo ng Pilipinas. Kung minsan, dinudoktor ang retrato para magmukhang kasama nila ang Presidente.
Sa pangangampanya ni Presidente Noy sa CamSur kamakailan, mayroon siyang napuna na nakairita sa kanya. Ito ay yung mga streamers ni Gov. L-Ray Villafuerte na nagpapakitang magkasama sila ng Pangulo.
Nagtataka lang ako. Sa pagkaalam ko, si Gob. L-Ray ay kinonsiderang pambato ng LP-coalition laban kay Rep. Dato Arroyo. Bakit nagbago ang tenor ng Pangulo?
Hindi umano naibigan ng Presidente ang larawan at nagsabing: “Kung ano-ano po ang ginagawa nila para magmukhang kasama po natin sila sa tuwid na daan.†Ibig bang sabihin ng Pangulo ay hindi totoong magkasama sila ni Gob sa piktyur? Naku, ganyan talaga kaprangka ang ating Pangulo. Parang Kris Aquino, ha ha ha.
“Hindi porke nakadilaw ay kakampi na po natin. Hindi porke nakapaskel ang litrato ko sa kanilang mga tarpaulin ay kakampi na natin, pakisabi na lang sa kanila na maru-nong din kaming mag-photoshop†dagdag ng Pangulo.
Ang patutsada ni Pangulong Aquino kay Gob. L-Ray ay linyada na rin ng partido Liberal Party (LP) na ang pangunahing tema ay “tuwid na daan†kung saan ay bagsak umano si Gob. L-Ray.
Ayon sa kampo ng LP, na-bad shot daw si Gob. L Ray dahil sa findings ng Commission on Audit na nag-uugnay sa gobernador sa kinukuwestyong daang-daang milyong pisong pondo na nawawala ayon sa isang report ng COA.
Maraming mga kandidato ang nanduduktor ng laraÂwan para ipakitang kasama nila ang Presidente o sino mang popular na tao. Pero hindi siguro akalain ni Gob. El-Ray na ganoon ang magiging reaksyon ni P-Noy.
- Latest
















