^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkawala ni Jonas, dungis sa military

Pilipino Star Ngayon

HANGGANG kailan maghihintay ang ina ni Jonas Burgos? Sa ngayon wala pang makasasagot sa tanong na ito sapagkat hindi pa tiyak kung makikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kaso ng pagkawala ni Burgos noong Abril 2007. Bagamat noong Martes, nangako mismo si AFP chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista kay Gng. Edita Burgos, ina ni Jonas, na makikipagtulungan ang military para makita ito. Ang military ang tinuturong puwersahang dumukot kay Jonas habang kumakain sa isang mall sa Commonwealth, Quezon City. Ayon sa mga nakasaksi, mga lalaking gupit sundalo umano ang puwersahang kumuha kay Jonas. Mula noon, hindi na nakita si Jonas. Si Jonas ay anak ng namayapa at respetadong mamamahayag na si Jose Burgos Jr. na lantarang lumaban sa rehimeng Marcos.

Sana nga ay totoo ang binitawang pangako ni Gen. Bautista. Sana ay mapanghawakan ang kanyang salita na makikipagtulungan ang military para makita si Jonas. Kung hindi magkakaroon ng katuparan ang kanyang sinabi, lalo lamang niyang pinakapal ang dungis sa AFP. Walang ibang makapagliligtas sa imahe ng AFP kundi silang mga pinuno at mga miyembro mismo. Ayon sa report ang mga sundalong sangkot sa puwersahang pagdukot kay Jonas ay mga miyembro ng Philippine Army. Binanggit ang isang nagngangalang Maj. Harry Baliaga na responsible umano sa pagkawala ni Jonas.

Noong nakaraang linggo, nagbaba ng ruling ang Court of Appeals (CA) na ang military, particular ang Army ay may pananagutan sa puwersa-hang pagkawala ni Jonas.

May dungis ang AFP at dapat lamang na linisin sa pamamagitan ng pagdadala sa mga taong responsible sa kaso. Bukod kay Jonas, na puwersahang nawala, mababanggit din sina Karen Empeño at Sherilyn Cadapan, mga UP students na nawala habang nagbibigay ng seminar sa mga magsasaka sa Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 2006. Mga sundalo ng Army na nasa pamumuno umano ni ret. Army Gen. Jovito Palparan ang may kagagawan. Sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli si Palparan.

Maging makatotohanan din naman sana ang mga sinabi ni President Aquino na pabibilisin ang pag-iimbestiga sa mga kaso ng desaparecidos. Hindi sana bulaklak lamang ng dila ang mga pananalita.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY GEN

AYON

COURT OF APPEALS

EDITA BURGOS

EMMANUEL BAUTISTA

HARRY BALIAGA

JONAS

JONAS BURGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with