Nepomuceno, di-malilimutan sa darating na election
NASA warpath na naman si Marikina City Councilor Elmer Nepomuceno. At ang target ni Nepomuceno sa ngayon ay ang nawawalang P17 milyon sa kaban ng siyudad. May kasunduan pala ang local government ng Marikina at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na magbabayad ang huli ng P22 milyon para sa Christmas Bazaar o “tiangge†sa kapaligiran ng City Hall noong Kapaskuhan. Subalit ang ibinayad lang ng PCCI, na isang non-stock, non profit organization, ay P5 milyon at nalugi ang kaban ng Marikina ng P17 milÂyon.
Nais ni Nepomuceno na ipaliwanag ni Mayor Del de Guzman kung saan napunta ang nawawalang pondo ng siyudad. Nang singilin naman itong PCCI-Marikina, nagbanta pa ang mga opisyales nito na maglalabas sila ng terminal report na nagsasaad na nagbigay sila ng pitsa sa mga department heads at konsehal ng siyudad. Hinahamon sa ngayon ni Nepomuceno ang PCCI na ilabas nila ang kanilang terminal report para giyahan ang Marikeños kung sino ang pipiliin nilang opisyales sa darating na May elections. Ang tanong: Bakit tahimik si De Guzman sa isyu ng P17 milyon?
Ang Christmas Bazaar na itinayo sa paligid ng Marikina City Hall noong Disyembre ay sang-ayon sa special session ng City Council noong Oct. 11, 2012. Ayon kay Nepomuceno, nakasaad sa Resolution No. 133 na ang naturang event ay isasailalim sa public bidding. Iginiit ni Nepomuceno na wala namang bidding na nangyari at kusa itong iginawad sa PCCI. Mukhang may kasunduan na bago ang approval ng City council, ano mga suki?
Nagtayo ang PCCI ng 530 stalls sa paligid ng City Hall at tig-P80,000 ang presyo ng kada stall sa Christmas Bazaar na magmula Oct. 31 hanggang EneÂro 15 ng kasalukuyang taon. Sa kalkulasyon ni Ne pomuceno, aabot sa P42 milyon ang kikitain ng PCCI at P22 milyon dito ang mapupunta sa siyudad. Subalit ang siste nito, P5 milyon lang ang iniabot ng PCCI sa kaban ng siyudad at nalugi sila ng P17 milyon. At maliwanag na kumita ang PCCI dito ng P20 milyon, ani Nepomuceno. Magkano kaya ang tinanggap ng kada department heads at konsehal sa nawawalang pondo? Aba dapat ilabas ng PCCI ang kanilang terminal report para maliwanagan ng Marikeños kung sino ang kumita sa proyektong ito, di ba mga suki?
Si Nepumoceno ay isang first termer konsehal sa 1st District ng Marikina City. Hindi na bago sa kanya ang pagbubunyag ng mga katiwalian diyan sa City Hall sa pamamaÂlakad ni Mayor De Guzman. Tatakbong muli biÂlang konsehal si Nepomuceno at 30 percent niya sa survey ay nagtulak sa kanya para pangunahan ang 14 kandidatong tatakbo sa darating na Mayo. Si Nepomuceno ay madaling lapitan at sa tingin ko hindi siya makakalimutan ng Marikeños sa darating na halalan.
Abangan!
- Latest