Pagpapa-tiwakal ng kabataan laganap tuwing summer
HINDI pa naililibing si Kristel Tajada, 16, U.P.-Manila college freshman na nagpakamatay nu’ng nakaraang linggo, agad siya sinundan ng high school sophomore sa Batangas. Winakasan ni Kristel ang sariling buhay dahil sa matinding suliranin, kasama ang malimit umano na pag-aaway ng magulang, pagtuya na mga kamag-aral na salawahan siya sa pag-ibig, at kapos sa school tuition. Si Lee Gunay, 14, naman ay nagpatiwakal dahil sa pressure ng pag-aaral at bullying ng mga kaklase sa Facebook.
Hindi lang sina Kristel at Lee ang mga kabataang natukso ng suicide. Karamihan ng mga nagsu-suicide ay mga nasa murang edad na 5-14, tulad ni Lee, at young adulthood na 15-24, tulad ni Kristel. Ito’y halaw sa saliksik ni Dr. Dinah Nadera, psychiatrist at U.P. professor.
Bagamat mas mababa ang suicide rate sa Pilipinas kumpara sa mga kapit-bansa at sa Europe, lumala ito n’ung dalawang dekada, 1984-2005, ani Nadera. Pito sa bawat 200,000 lalaki at dalawa sa bawat 200,000 babae sila, mula sa dating tig-isa sa bawat 400,000 lalaki at 800,000 babae.
Ilan pang lumitaw sa pag-aaral: Kalimitan nagaganap ang suicide sa summer, lalo na Kuwaresma, panahon ng pangingilin, pagdadasal at pagsisisi sa kasalanan. Kalimitan din sa sariling tahanan, maliwanag pa, sa karaniwang araw, kung kailan nag-iisa ang biktima. Kalimitan din ang pagbigti, pag-inom ng lason (si Kristel), at pagbaril (si Lee).
Panawagan ni Dr. Wang Xiangdong, World Health Organization regional adviser, na ituring ng 37 bansa sa Western Pacific ang suicide bilang public health issue.
Hindi raw ito police matter lamang. Lalo na, dahil suicide ang pangunahing cause of death sa mga edad-15-39 sa rehiyon.
Sa dami ng mga nasasalanta at namamatayan sa Pilipinas, kailangan nga ito. Dapat din ng dagdag-psychiatrists sa gobyerno.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest