^

PSN Opinyon

Buenas talaga si ‘Donya Buding’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Teka nga  muna. Sumosobra na itong si Donya Bu­ding, a.k.a ‘butanding,’ sa National Kidney and Transplant Institute!

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na si ‘butanding’ ay nagsimulang secretary sa nursing office pero medyo sinuwerte sa pagkuha ng mga malalagkit na posisyon sa  gobyerno, hindi dahil siya ay ma-abilidad, kundi siya ay henyo sa kasipsipan sa kaniyang mga padrino.

Ika nga, parang linta!

 Isipin ninyo na lang  isang araw bigla na lang siyang na­ging head ng central supply ng pinag-uusapan natin at hindi kalaunan ay  senior supply officer  sa tulong ng kaniyang amiga at “business partner” sa ospital.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dahil dito nahawakan niya ang  isang  call boy este mali dibisyon pala kaya naman  nakakapagnegosyo sila.  Kasi ang mga  transaksiyon  sa kanyang tanggapan ay inaaprubahan nang  hindi dumadaan sa bidding process.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minsan ay nasilip ito kaya’t  siya’y bigla  natanggal  sa puesto  pero  ngayon mas mataas pa ang kaniyang naging  tungkulin sa ospital.  Okay,  hindi ni ya  nakuha ang appointment sa plantilla.

Bakit?

Hindi ‘qualified’ si Donya Buding!

Iyon lang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  tuloy ang ligaya.  Madali kasing  kausap ang donya  sa mga consignment ng mga medical supply sa ospital dahil  dating kalakaran. Puwede pa rin na walang bidding sa kaniyang bagong tanggapan.

vuukle comment

BAKIT

DONYA BU

DONYA BUDING

NAKU

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

SABI

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with