Praktis
DAHIL sa nalalapit na eleksiyon ay malaki ang interes sa mga potensyal na personalidad na pupuno sa dalawang bakanteng puwesto sa Commission on Elections (Comelec). Ang Comelec ay isa sa tatlong komisyon ng gobyerno na itinatag ng mismong Konstitusyon ng Pilipinas. Ito ang tinalaga upang mamahala ng pamamalakad ng eleksyon sa kabuuan ng Pilipinas. Bilang isang itinutu-ring na “Constitutional Body†naiiba ito sa ibang ahensya dahil ang mga namumuno nito---- ang Chairman at 6 pang Commissioner ---- ay nahahanay sa bilang ng mga Justices ng Supreme Court. Ang mga ito’y hindi ordinaryong itinalaga o inappoint ng ehekutibo na maaring tanggalin ng Presidente kung kailan mapusuan. Ito ay tinuturing na mga “constitutional positions†na kailangan ng impeachment proceedings para matanggal sa pwesto.
Ganoon na lamang ang pagpapahalaga sa institus-yong nagsisilbing mata at pulis ng naglalakasang pwersang pampulitika na nagbabanggaan tuwing eleksyon. Kaya naman minarapat ng ating Saligang Batas na gawin itong independente mula sa ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Batid din ng kasaysayan ang halaga na ibinibigay sa maingat na pagkilatis ng mga personalidad na uupo ng pitong taon bilang mga Komisyoner nito.
Kaya naman kaliwa’t kanan ang batikos na natanggap ng kasalukuyang administrasyon nang di lang isa pero dalawang itinalaga sa posisyon ang magkasunod na tumanggi rito.
Kontrobersyal ang naging anunsiyo ng appointment ni dating Kongresista Makabangkit Lanto bilang Commissioner. Hindi ang kanyang pagkamuslim ang dahilan – tradisyon na sa Comelec ang magkaroon ng isang miyembrong muslim. Binatikos ito dahil sa pagkasangkot sa mga election protest sa nakaraan kung saan natanggal pa ito sa puwesto dahil napagpasiyahan na ito’y nandaya.
Si Atty. Bernadette Sar-dillo ang isa pang inanunsyong appointee. Bata at walang bahid ang pangalan, magiging magaling sanang adisyon sa Komisyon.
Ngayon ay alam na natin ang bulilyasong naganap. Si Atty. Sardillo ay tinalikuran ang appointment habang si Cong. Lanto nama’y napilitang umatras dahil sa batikos.
Hindi dapat ganito ang nagiging pamamalakad ng presidential appointments, lalo na sa Comelec at higit pa sa ganitong panahon ng eleksyon. Tatlong taon na. Hanggang ngayon ba na-ma’y pinagpapraktisan pa ang panunungkulan?
- Latest