‘Lady Mae… trese anyos’ (ikalawang bahagi)
“ELDI… nawawala si Maymay!†nakakagulat na pahayag ni Elsa.
Nagtanong si Eldi sa guro kung paano nawala ang anak. Pautal-utal umano na sagot nito sa kanya, “Nung gabi kasi… mga 10:00 sinundo siya ng lalakI…boyfriend niya!â€
Nung Miyerkules itinampok namin sa aming pitak ang brutal na pagpatay sa 13 anyos na dalagitang si Lady Mae Maldepeña o “Maymayâ€.
“Papaanong boyfriend? Wala pang boyfriend ang anak ko!†pagtataka ng inang si Eldiponsa o ‘Eldi’.
Mabilis na nagpa-blotter si Eldi sa Talisayan Police Station.
Tinurn-over ng gurong si Elsa Calipes ang isang pares ng tsinelas at berdeng t-shirt, gamit daw ni Maymay na natagpuan malapit sa bahay nito.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang pulis. Bandang 9:45 ng umaga napansin nila ang isang asong kumakahol, pabalik-balik sa bakuran at palibot ng bahay ni Elsa. Nang kanilang sundan nagulat sila ng makitang umiikot ang aso sa isang nakadapang katawan ng babae na tinakpan pa raw ng dalawang dahon ng saging, katabi ng lupang may kaunting hukay.
Mabilis na pumunta sa lugar ang Investigation Team ng Talisayan sa pamumuno ni P/Insp. Julito J. Olaco. Kumpirmadong si Maymay ang natagpuang bangkay sa loob ng bakuran ni Elsa.
Nagkagulo ang lahat. Nagwala si Eldi ng makita ang bangkay ng anak. Isang head teacher ng Mapua School naman na si G. Milagros ang pumasok sa bahay ni Elsa upang ibalita ang nangyari.
Naabutan nito ang guro na nakaupo sa sala. “Ma’am si Maymay…patay na si Maymay!†umiiyak na sabi nito.
Sa halip daw na lumabas ng bakuran si Elsa. Nagulat umano si Milagros na naging reaksyon nito. Sumandal siya sa upuan, huminga ng malalim sabay sabing, “Hay! Salamat… niligtas ako ni Maymay!â€.
Pinapalabas umano nitong titser na pinasok ang kanyang bahay nung gabing iyon. Ayon sa tiyahin ng biktima na si Rosalinda Maldepeña o ‘Rose’ pinipilit ni Elsa na tinext niya ang kapitbahay na si Racquel Rayon at humingi ng saklolo. Pinabulaanan naman ito ni Racquel.
Paiba-iba umano ang sinasabi ng guro dahilan para labis nilang pinagdudahan ito.
Maraming tao ang nasangkot sa brutal na pagpatay kay Maymay. Isa na rito ang isang nagngangalang Cocoy Llagas, kilala umanong magnanakaw sa kanilang lugar. May nakapagtimbre raw sa mga pulis na may kinalaman umano si Cocoy sa pagkamatay ni Maymay. Inimbitahan si Cocoy sa presinto. Wala namang sapat na batayan na magpapatunay na may alam siya dito kaya’t pinakawalan din siya.
Nang parehong araw. Bandang alas 9:00 ng gabi binaril si Cocoy ng isang hindi nakilalang ‘gun man’. Nagtamo ng mga tama ng bala si Cocoy sa ulo. Dahil wala silang mapatunayan sa pagkasangkot ni Cocoy marahil ito’y ginantihan na lamang.
Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulis Talisayan. Ang mga susunod ay base sa Investigation Report ng Talisayan PNP sa pamumuno ni P/Insp. Olaco, kanilang ‘team leader’.
Ang mga miyembro na nag-imbestiga ay sina Assistant Team Leader na si SPO1 Ruel Manuel, Medico Legal Officer Dr. Gay Ardanas. Ang recorder na si PO3 Lolit S. Ucab, evidence collector SPO1 Liza Mangmang, crime scene photographers PO3 Maribeth Ramoga at PO3 Bobby Lopez na siya ring sketcher, measurer at evidence custodian at si PO3 Edmundo Ucab security/driver.
Matapos kunin ang mga ebidensya, ineksamin ni Dr. Ardanas ang bangkay ng biktima. Dinala ang katawan ni Maymay sa Padella Funeral Home, Balingasag Misamis Oriental. Habang ang panty na suot ni Maymay na may bahid ng dugo ay pinalaboratoryo.
Nung ika-5 ng Hulyo 2008 bandang alas diyes ng umaga, ang mga miyembro ng investigation team ay bumalik sa pinangyarihan ng krimen partikular na sa bahay ni Elsa para lumikom ng mga ebidensya.
Nakakita sila ng mga mantsa sa iba’t-ibang parte ng bahay, sa likod ng pinto, sa sementong pader ng kuwarto ni Elsa at sa ‘door knob’.
Kapansin-pansin ang mga kakaibang ikinilos nitong si Elsa. Lalo na ng dumating sa parte na nakakita sila ng poster na Vino Viagro (uri ng alak) sa ilalim ng kutson ng kama nito. Sa tuwing tatanungin ng pulis kung ano ang mantsa sagot ni Elsa, dagta ng punong ‘Naga’.
Kinunan ng larawan ang mga mantsa at dinala sa Crime Laboratory Office-10 para masuri.
Ika-12 ng Hulyo nagsagawa ng Field Laboratory ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen. Sinamahan ang SOCO team ni P/Insp. Olaco.
Nilagyan ang kuwarto ng benzedine, ‘reagents’ (isang kemikal na ginagamit para lumutang at masuri kung dugo ng tao ang mantsa kahit na nahugasan na ito).
Nagkaroon ng positibong reaksyon, nakita ang dugo sa labas ng pintuan, door knob ng shower room, bahagi ng pader, sa ilalim ng jalousie sa bintana at maging sahig ng kuwarto ng biktima.
Lumabas naman sa isinagawang medico legal examination ni Dr. Ardanas sa bangkay ni Maymay na ang mga sugat na tinamo nito dahil sa saksak ay nilinis na at kaunting dugo na lang ang natagpuan sa lupa, kung saan nakita ang katawan.
Ito ang dahilan kung bakit inutos ni Dr. Ardanas na maghanap ng ibang lugar kung saan posibleng pinatay ang biktima dahil ang dami ng dugo kung saan ito natagpuan ay kaunti para sa mga tinamong saksak ni Maymay.
Lumitaw din sa sinagawang autopsy kay Maymay, Findings, Genitalia: The hymen has deep healed laceration at 6 o’clock and shallow healed lacerations at 3, 7 and 9 o’clock positions.
Si Maymay ay 13 taong gulang pa lang. Ayon sa kanyang pamilya walang naging ‘boyfriend’ ito o karelasyon na maaaring nagkaroon siya ng pagtatalik.
“Bakit wasak na wasak ang ari ng aking pamangkin? Nagpapatunay lang na na-rape ito…†galit na sinabi ni Rose.
ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES… EKSKLUSIBO dito lang sa ‘CALVENTO FILES sa PSNGAYON’.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Sa gustong dumulog para sa kanilang problemang legal, ang aming mga numero 09213784392 (Pauline). 09213263166 (Chen), 09198972854 (Monique). Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayong magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest