^

PSN Opinyon

Dapat bang sumailalim sa Fresh Cell Therapy ang may cancer?

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, dalawang German doctors ang nagtungo sa bansa at nagsagawa ng magkahiwalay na lecture ukol sa Fresh Cell Theraphy. Ang dalawa ay sina Dr. Robert Junson Nueller at Dr. Burkhard Aschoff.

Binanggit nila ang may kaugnayan sa cancer at ipinaliwanag nila na hindi dapat sumailalim agad-agad sa Fresh Cell Theraphy ang may cancer.

Ayon sa dalawang doctor dapat munang i-treat ang cancer sa conventional na pamamaraan gaya ng surgery, chemotheraphy, radiation at immunorhapapy. Kapag daw hindi nagtagumpay sa mga nabanggit na pamamaraan ang paggamot sa cancer, saka lamang daw dapat i-consider ang Fresh Cell Theraphy. Karamihan sa mga ospital sa bansa ay nagsasagawa na nang pag-eeksperimento ukol dito at sa lalong madaling panahon ay malalaman kung successful ito o hindi.

Ayon pa sa dalawang doctor, hindi rin dapat sumailalim sa Fresh Cell Therapy ang mga buntis, ang mga may advanced kidney disease at nagda-dialysis, ang mga pasyenteng may acute infections, at ang mga may grabeng sakit at nakaratay na sa higaan.

Ang mga pasyente naman na maaaring sumailalim sa Fresh Cell Therapy ay ang may irticaria; may hay fever allergic conditions; may Alzhiemer’s at Parkinson disease; may psychosis at depression; mga nakakadama ng exhaustion at hindi nakakatulog; mga nagkaroon ng stroke; mga inatake sa puso; mga lalaki at babaing may sexual dysfunctions; menopause disorders, growth disorders at obesity; mga pasyenteng may diabetes mellitus subalit dapat na hindi pa nabibigyan ng insulin; at mga batang may autism na edad 5 pababa.

Ang Fresh Cell Therapy ay epektibo at napatuna-yan nang nakapagpa-pabata nang pakiramdam, batang tingnan at nakapagpapaganda ng itsura. Marami pang magagandang benepisyo ang Fresh Cell Therapy at ito ay ipaliliwanag sa pagbabalik ng dalawang German doctors sa Maynila bago matapos ang Pebrero. Magsasagawa muli sila ng lecture ukol sa Fresh Cell Therapy.

 

vuukle comment

ALZHIEMER

ANG FRESH CELL THERAPY

AYON

CELL

DR. BURKHARD ASCHOFF

DR. ROBERT JUNSON NUELLER

FRESH

FRESH CELL THERAPHY

FRESH CELL THERAPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with