^

PSN Opinyon

Chiz atbp. sinusuyo pa rin ng UNA party

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS warningan ang tatlong “inampong” senatorial candidates na patatalsikin sa partido dahil sa pang-iisnab sa kanilang political rally, balita ko patuloy na sinusuyo ng United Nationalst Alliance (UNA) ang tatlo na sumali naman sa kanilang campaign rally.

Kasama sa mga sinusuyo sina Sen. Chiz Escudero at Loren Legarda at ang bagitong si Grace Poe.  Ibig sabihin, naniniwala ang UNA na may partida sila kung kasama sa kanilang senatorial lineup ang tatlong bigatin.

Sa unang tingin parang pabor sa inaampong kandidato na siya’y gawing guest candidate. Pero kung pakakasuriin, hindi marahil aampunin ang tatlong ito kung wala silang mapapakinabangan.

Patuloy silang pinadadalhan ng paanyaya na dumalo sa second leg ng kampanya  sa Central Luzon. Ibig sabihin, mukhang pilantod ang partido kung wala ang tatlo. Pero gaya ng nasabi ni Chiz, hindi siya ang tipong paladalo sa mga political rally para sumayaw, kumanta at gumawa ng sari-saring antics para makaakit ng boto.

 Ayon kay Tobby Tiangco na kalihim-heneral ng kowa­lisyon, pormal nilang pinadalhan ng imbitasyon ang tatlo para ipaalam ang gagawing pangangampanya ngayon ng UNA sa Pampanga. Ang kaso, “no reply” ang mga naturang kandidato.

Gaya nang nasabi na natin noon, si Sen. Chiz ay puwedeng tumayo sa sariling paa dahil may mataas na acceptance rating sa masa.  Bagamat miyembro ng Liberal Party ay nagpasyang kumandidato bilang indi-pindiyente. Si Grace Poe, bagama’t bagito ay malakas na kandidato dahil nakaugnay sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. Pero tahasan na niyang sinabi na prayoridad niya ang ki­nabibilangan niyang partido Liberal.

Naniniwala akong ganyan din ang kaisipan ng beteranang senadorang si Loren Legarda na kasamang namamayagpag ni Escudero sa mga nakalipas na rating.

Kaya naniniwala ako na ang pag-aampon sa mga naturang kandidato ay mas para sa kapakanan ng partidong umaampon.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

FERNANDO POE JR. PERO

GRACE POE

IBIG

LIBERAL PARTY

LOREN LEGARDA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with