^

PSN Opinyon

Editoryal - Ipagbawal na ang imported used vehicles

Pilipino Star Ngayon

NOONG 2002 ay ipinagbawal na ang importasyon ng mga segunda manong sasakyan. Inisyu ito ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng Executive Order 156. Ginawa ni Arroyo ang ka­utusan dahil sa reklamo ng mga local manufac­turers at dealers­ na naapektuhan ang kanilang sales. Nabawasan umano  ang mga bumibili ng bagong sasakyan at ang mga inimport na segunda mano mula sa South Korea at Japan ang binibili. Pumalag ang mga importers ng second hand vehicles at sinabing unconstitutional ang direktiba. Umapela sila sa regional trial court sa Aparri, Cagayan at nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ukol sa ban ng imported used vehicles. Mula noon nagpatuloy ang pagdagsa ng mga segunda manong sasakyan sa mga port sa bansa, partikular ang Port Irene sa Cagayan. Hindi lamang mga sasakyan sa Korea at Japan ang dumadagsa kundi pati na rin ang mga mamahaling sasakyan na kinabibilangan ng Porsche, Audi, Mercedes Benz at marami pang iba.

Pero nagdesisyon na ang Supreme Court noong Enero 7 na constitutional ang direktiba ng Arroyo administration sa pagbabawal ng importasyon ng mga lumang sasakyan. Ibig sabihin, bawal talaga ang pag-import. Pero hindi tumitigil ang mga im­porters at patuloy na nakikipagdebate at kinukuwestiyon ang ruling ng Supreme Court. Maski Kataas-taasang Hukuman na ang nagpasya ay tila wala pa rin silang balak sumunod.

Kamakalawa, ipinag-utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na huwag nang iproseso ang papeles ng 200 sasakyan na dumating sa Port Irene mula sa South Korea. Pero sabi ng namamahala sa Cagayan Export Processing Zone, matagal na umanong naproseso ang papeles ng mga sasakyan­ bago pa bumaba ang Supreme Court ruling. Umano’y may 200 pang sasakyan mula Japan na paparating sa Port Irene.

Maraming nawawalan ng trabaho dahil sa pagdagsa ng mga lumang sasakyan. Ang mga trabahador ng mga local car manufacturers ay apektado dahil walang bumibili ng bagong sasakyan.

Ibawal nang tuluyan ang importasyon ng mga lumang sasakyan. Ginagawang basurahan ang Pilipinas ng mga lumang sasakyan na nagdudulot lamang ng grabeng air pollution. Dapat mag-isyu si President Aquino ng direktiba na nagbabawal ng total ban sa imported used vehicles.

CAGAYAN EXPORT PROCESSING ZONE

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

EXECUTIVE ORDER

PERO

PORT IRENE

SASAKYAN

SOUTH KOREA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with