OFWs at internal migrants
KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay kaisa sa mga adhikain ng ipinagdiwang na National Migrants’ Sunday noong Pebrero 17.
Ang naturang okasyon ay pagpapahalaga sa overseas Filipino workers (OFWs) at mga kababayang pumupunta sa lungsod at bayan (internal migrants) para sa trabaho at iba pang panlipunang dahilan, kahit ang kapalit nito ay pagsasakripisyong mapalayo nang mahabang panahon sa kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at kinasanayang tahanan, komunidad at kultura.
Ito rin ay nagsisilbing pagkakataon upang pag-aralan nang malaliman ang phenomenon ng migration, at kung ano ang epekto nito sa mga migrante at kanilang pamilÂya gayundin sa lipunan.
Binibigyan din ng ibayong pagsusuri ang nagiging tagumpay o kalagayan ng mga migrante at ang mga isyu at hamon na kinakaharap nila.
Ang perang ipinadadala ng mga namamasukan sa lungsod sa kanilang pamilya ay nakatutulong sa pag-unlad ng kanilang bayan o lalawigan, habang ang padala naman ng mga OFW ay nakatutulong pati sa pag-unlad ng buong bansa.
Ang pamahalaan ay may mahalagang tungkuling kailangang gampanan para sa mga migrante. Una rito ay ang pagbibigay ng sapat na suporta sa kanila upang sila ay magtagumpay, at ikalawa ay ang pagtitiyak ng kaukulang ayuda sa kanila kapag sila ay nagkakaproblema.
Dapat isulong ng pamahalaan, sa tulong ng iba’t ibang institusyon at mga sektor, ang mga hakbanging magtataguyod ng karapatan, pag-unlad at kagalingan ng mga migrante gayundin ng kanilang pamilya.
Makabubuti ring tulu-ngan ang mga migrante at kanilang pamilya na ma pangalagaan, mapakinaÂbangan nang husto at kung maaari ay mapalago pa ang naiimpok nilang pera laluna sa pamamagitan ng pagtatayo nila ng sariling negosyo.
Mabuhay ang mga migrante! Ipagbunyi ang taunang National Migrants’ Sunday!
Nagpapasalamat naman ako at ang buong paÂmilya Estrada sa mga buÂÂÂ mati at nakiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jinggoy noong Linggo.
- Latest