Winnable si Chiz kahit walang party
SINA Sen. Chiz Escudero, Loren Legarda at ang newÂcomer na si Grace Poe ay guest candidate ng parti-dong UNA.
Pero may babala ang UNA sa tatlong ito na buburahin ang mga pangalan nila sa partido dahil sa hindi pagsipot sa mga UNA rally. Nainsulto raw ang mga stalwarts ng partido.
Sa kaso ni Chiz, naniniwala ako na kahit tumakbo siya bilang indipendiyente, magwawagi pa rin. Katunayan, bago siya “ampunin†ng UNA ay nagparehistro siya sa COMELEC bilang indipindiyente. Pero bago pa man iyan, kasapi na siya sa Liberal Party coalition.
Kung minsan may advantage ang pagiging independent. You don’t have to toe any party line. Kung ano ang inaakala mong tama ay magagawa mo.
Bago nga ang eleksyong pampanguluhan na nagluklok kay Presidente Noy ay matunog na ang pangalan ni Escudero sa mga tinatawag na “presidentiables.†Kaso nga lang, hindi siya tumakbong Presidente salungat sa inaasahan ng maraming bilib sa kanya.
Kaugnay ng bantang pagpapatalsik sa kanya ng UNA, sinabi ni Escudero na isa siya sa mga politikong walang bilib sa rally at ito’y batid ng mga namumuno sa Una na sina ex-president Joseph Estrada at Vice President Jojo Binay. Hindi kasi trapo si Escudero na magsasasayaw sa entablado.
“Naguguluhan ako sa mga ganyang pahayag nina Vice Pres. Binay, at dating Pangulong Estrada dahil alam naman nila at kilala nila na hindi ako isa sa mga naniniwala sa rally… sa tradisyunal na paraan ng pangangampanya, tulad ng mga rally,†ani Escudero.
Ayon kay Escudero kung hindi kakanta, sasayaw at magpapatawa ang isang kandidato ay hindi naman talaga ito mapapansin sa mga political rally na ginagawa ngayon ng mga kandidato ng UNA at ng Liberal Party.
Korek si Chiz. Ang pinaÂkamagandang ibandera sa madla sa pangangampanya ay hindi ang abilidad magpatawa o sumayaw sa entablado kundi track record at good reputation. Palagay ko, sa aspetong iyan ay malaki ang kalamangan ni Chiz.
- Latest