^

PSN Opinyon

Malugod na suporta K KA LANG?

Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG bansa ang nagpahiwatig na ng suporta sa Pilipinas kaugnay sa pag-angat ng reklamo sa United Nations sa ilalim ng United Nations Convetion on the Law of the Sea (UNCLOS). Tama lang daw na sa isang international tribunal idaan ang reklamo, at hindi sa duruan, bantaaan at takutan sa karagatan gamit-gamit ang lakas militar! Ayon kay US Defense Secretary Leon Panetta, kailangang pag-usapan nang maayos at mahinahon ang mga pagtatalo ukol sa mga isla sa dagat, at hindi sa pamamagitan ng girian at pormahan ng militar. Kailan lang ay inakusahan ng Japan ang isang war ship ng China na pinuntirya ang isa sa kanilang barko ng radar. Isang matinding pagduduro daw ito na maaaring lumala kung hindi maingat ang mga kapitan ng mga barko. Hindi natin alam kung saan aabot kung sakaling pinatulan ng Japan ang pagduro! Itinanggi naman ng China ang akusasyon. Ewan ko, pero hindi ba’t ganito nga ang estilo ng China?

Ang Germany naman ay sinuportahan ang kilos ng Pilipinas na sa UN dalhin ang pagtatalo. Wala na raw mas nararapat na lugar kundi sa UN dalhin ang ganitong klaseng mga problema. Walang magandang maidudulot ang pananakot, at nasa interes ng China ang mapayapang resolusyon ng problema. Malaki ang pakinabang ng China sa karagatan, kaya dapat lang ay maayos ang gusot, pero sa UN nga dapat dalhin at wala nang iba.
Pero ang mahirap nga ay kahit ngayon, matigas pa rin ang China sa kanilang pag-aangkin sa lahat ng teritoryo sa dagat. Hindi raw sila sang-ayon na dalhin sa UN ang problema, dahil sa kanila nga ang mga isla. Kailangan mga bansa lang na may pagtatalo ang mag-usap. Gusto ng China mga bansa lamang ang mag-usap, pero pinadadala naman ang kanilang mga hukbong karagatan sa mga islang pinagtatalunan! Pumirma ang China sa UNCLOS, pero nga-yon na dapat aksyunan ng nasabing katawan ay tila hindi nila nirerespeto ito! Kaya naman may tunay na pangamba na ang ilang bansa sa sitwasyon at baka lumaki, lumala.

Kaliwa’t kanan na ang katunggali ng China hinggil sa pag-aangkin ng buong karagatan. Bukod sa mga bansang may pag-aangkin rin sa ilang isla, may mga bansang nagbibigay ng suporta kontra sa mga kilos ng China. Kailangan na talaga nilang mag-isip kung nasa kanilang interes ang mabukod sa isyung ito. Malaki nga ang kanilang militar, kaya naman medyo arogan­te. Pero ganundin ang inisip ng ilang bansa noong 1939 hanggang 1945. Anong nangyari sa kanila? Talo.

ANG GERMANY

CHINA

DEFENSE SECRETARY LEON PANETTA

KAILANGAN

LAW OF THE SEA

MALAKI

PERO

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with