Amalilio maibalik pa kaya mula Sabah?
NAPAKALAKAS pala nitong si pyramiding scammer Ma-nuel Karingal Amalilio sa pamunuan ng Malaysia. Kaya naman pala sa Sabah siya nagtago mula Nobyembre nang iutos ni President Noynoy Aquino na arestuhin dahil sa paglinlang ng P12 bilyon sa 15,000 taga-Visayas at Mindanao. At kaya naman pala hinarang ng Sabah police sa airport na maiuwi ng NBI si Amalilio nu’ng nakaraang Biyernes. Pamangkin pala siya ni Sabah Chief Minister Musa Aman, pinaka-mataas na state official.
Ang pangalan ng Ponzi-scam company ni Amalilio ay Aman Futures. Ang tunay na pangalan niya ay Kamal bin Said. Ang nanay niyang si Zubaidah Omar ay pinsang buo ni Musa Aman. Ang mga tatay nina Zubaidah at Musa ay magkapatid. Isinilang si Amalilio sa Beaufort, Sabah. Isinilang si Amalilio sa Beaufort, Sabah. May asawa siyang Filipina, at may hawak na Philippine passport.
Maselan ang pakay ni Aquino na paharapin sa hus-tisya si Amalilio. Kailangan planuhin ito nang mabuti nina Justice Secretary Leila de Lima, Interior Secretary Mar Roxas, at Foreign Secretary Albert del Rosario.
Makikipag-usap sila kina Musa, Malaysian Foreign Minister Anifah Aman, Attorney General Abdul Gani Patail, at maaring mismo kay Prime Minister Najib Razak.
Pero ito ang problema. Si Anifah ay nakababatang kapatid ni Musa; samakatuwid, pamangkin din niya si Amalilio. Kamag-anak din nina Musa at Anifah si Patail, na galing din sa Sabah. Malapit ang tatlo sa gobyerno at partido UMNO ni Razak.
Maiuwi pa kaya ng pamahalaan si Amalilio para humarap sa daan-daang kasong isinampa ng libo-libong biktima?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest