^

PSN Opinyon

Editoryal - Ayusin muna ang trapik sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

TAMA kaya ang balak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA? Ayon sa DPWH, simula sa Hunyo ay isasaayos na ang EDSA. Pagagandahin umano nila ang 23-kilo-metrong kalsada at itutulad sa North at South Luzon Expressways. Mula raw Roxas Blvd. sa Pasay hanggang Monumento, Caloocan ay magkakaroon nang malaking pagbabago sa EDSA. Kulang na lamang sabihin ng DPWH na magiging class na ang EDSA. Ayon pa sa DPWH, ang pagpapaganda sa EDSA ay nagkakahalaga ng P3.7 billion. Isang taon umanong gagawin ang pagpapaganda sa EDSA. Kapag natapos daw ito, maipagmamalaki na sa mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Ang Pilipinas umano ang magiging host ng APEC Summit sa 2015.

Dapat liwanagin ng DPWH na pagagandahin lang ang EDSA at hindi paluluwangin para mapaluwag ang trapik. At kapag natapos ang pagpapaganda sa EDSA, inaasahan na ganoon pa rin kabigat ang trapik. Walang pagbabago sa takbo ng mga sasakyan na usad-pagong. Ang magiging kaiba lang ay ang maganda sigurong tanawin sa labas ng bus, Baka ang magandang tanawin sa EDSA ay makalibang sa commuters na nabubugnot sa trapik. Sa tindi ng trapik na nararanasan sa EDSA, mara-ming nagmumura. Dati, mula Monumento hanggang Ayala, nakukuha ng isang oras na biyahe, ngayon ay kulang na dalawang oras o mahigit pa. Ang mga nakahambalang na bus na nagbababa at nagsasakay sa Aurora Blvd., Cubao ang dahilan nang matinding trapik. Problema rin ang maraming kolorum na bus na walang disiplina sa pagbaba at pagsakay ng pa-sahero.

Kung pagagandahin lang ang EDSA, hindi rin ito makakasagot sa grabeng trapik. Ang maganda sana, maganda na ang EDSA ay maluwag pa. Sana, kasabay nang pagpapaganda ay paluwa-ngin din ang EDSA para maging mabilis ang biyahe. Pag-isipan sanang mabuti ng DPWH ang gagawing pagpapaganda sa EDSA at baka lalo lamang magdusa ang commuters at motorista sa grabeng trapik. Mas maganda kung uunahing lutasin ang problema sa trapik kaysa pagpapaganda sa EDSA.

 

ANG PILIPINAS

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AURORA BLVD

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDSA

MONUMENTO

ROXAS BLVD

SOUTH LUZON EXPRESSWAYS

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with