^

PSN Opinyon

P-Noy, Mar halatang dismayado sa pulisya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SANA magpakatino na ang pamunuan ng Philippine National Police. Halatang dismayado ang pinaka-matataas na pinunong sibilyan nila -- sina Commander-in-Chief Noynoy Aquino at Secretary of Interior and Local Government Mar Roxas.

Manhid ang pulis na hindi makabasa ng body language ni President Noynoy. Sa pagkamatay ni Stephanie Nicole Ella, 7, sa tama ng stray bullet nu’ng Bagong Taon, nag­laan siya ng P2-milyong pabuya sa makakapagturo para makulong ang salarin. Ito’y dahil napuna niyang tamad at tanga ang pulisya ng Caloocan sa forensics.

Forensics ang paglutas ng krimen sa pamamagitan ng agham, pagsusuri ng ebidensiya, at paglikom ng saksi. Pero, aba’y, sabi ng isang PNP officer na mahirap malutas ang krimen dahil wala sila sa eksena nang magpaputok ng iresponsableng de-baril. E wala namang sira-ulo na gagawa ng krimen sa harap ng pulis. Kaya nga may detective.

Sa “shootout” sa Atimonan, Quezon, ipinaimbestiga ni Noynoy sa NBI ang insidente, imbis na sa PNP. Suspetsoso siya kung matino ang kalalabasang report ng pamunuan, at baka pagtakpan lang ang lumalabas na rubout. At tama ang hinala ni Noynoy.

Diretsa naman ang pagwawasto ni Roxas sa mga kalokohan. Sinibak niya si Region-4-A police regional director James Melad dahil sa patuloy nitong pagtatanggol sa mga pulis na pumatay ng 13 armadong lalaki sa checkpoint. Sibak din ang Batangas provincial chief Sr. Supt. Rosauro Acio, dahil sa kasunod na pagpatay ng isa pang katoto ng 13.

Sininghalan din ni Roxas si Supt. Hansel Marantan, na namuno sa patayan. Panay kasi ang press interview nito, pero ayaw sumagot sa mga tanong ng imbestigador ng rubout.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

BAGONG TAON

COMMANDER-IN-CHIEF NOYNOY AQUINO

HANSEL MARANTAN

JAMES MELAD

NOYNOY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT NOYNOY

ROSAURO ACIO

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with