NAIA unang bukana sa turista ang pangit
DAHIL maliit ang Ninoy Aquino International Airport, lamang ito sa mga higanteng international airports ng ibang bansa. Kasi, ani Tourism Assistant Sec. Benito Bengzon, mas mabilis makaalis ang mga pasahero.
Inaabot lang ng 25 minuto mula paglapag ng eroplano hanggang makapiling ang mga salubong, ani Bengzon. Dahil maiksi ang runway, apat na minuto lang ang taxiing sa tarmac hanggang terminal. Maiksi lang din ang lakaran mula air tube hanggang sa computerized Immigration counters, baggage carousel, at Customs clearance, kung saan mabilis ang mga pila hanggang sa vehicle driveway.
Tama nga si Bengzon, pero hindi pa rin maipagmaÂmalaki ang NAIA sa 14.2 milyon international na biyaherong dumaan nu’ng 2012. Kasi bulok ang mga pasilidad at palakad. Hindi kasalanan ng DOT, pero:
ï¬ï€ Inaabot nang 20 hanggang 120 minutos ang pag-ikot sa ere ng papa-landing na eroplano. Matagal din ang paghintay ng papaalis. Dahil ito sa haba ng pila ng international, domestic at chartered flights. Dadalawa ang runways, at magka-ekis pa, kaya isa lang ang nagagamit sa bawat take-off at landing.
ï¬ï€ Maliliit ang kubeta sa NAIA 1, 2, at 3. Tigalawa lang ang urinals at cubicles -- kung minsan isa lang kapag may out-of-order. Kaya ang haba ng pila pagdagsa ng daan-daang pasahero mula sa bawat flight. At napakasikip sa lababo sa tanghali, kapag nakasabay mo ang NAIA staff na naghuhugas ng lunchboxes, nagsisipilyo, at nagme-make-up.
ï¬ï€ P550 ang NAIA terminal fee mula bawat pasahero. Ito’y para gandahan ang mga pasilidad. Pero maski drinking fountain man lang ay hindi makapag-kabit ang NAIA. Animo’y pinoprotektahan ang food kiosks, kung saan ang isang bote ng tubig ay P50.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusÂ[email protected]
- Latest