^

PSN Opinyon

Tulong sa pamilya ng OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAKIPAGKAPIT-BISIG si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada kay Pampanga Governor Lilia Pineda hinggil sa pagpapalakas ng programang pang­kabuhayan para sa mga pamilya ng OFWs sa naturang lalawigan.

Sa pagdiriwang kamakailan ng 441st “Aldo Ning Kapampangan” (Pampanga Day) ay nakiisa si Jinggoy at kaniyang inihayag ang paglalaan niya ng P5 milyong dagdag na pondo sa livelihood program doon sa ilalim ng Provincial Action Center for OFW Concerns ni Governor Pineda.

Ayon sa governor, malaking tulong ang pondong ito dahil umaabot sa 3,000 pamilya ng migranteng manggagawa ang sineserbisyuhan ng kanilang programa at nais nilang palawakin pa ang saklaw nito lalunat sa kasalukuyan aniya ay mayroong humigit-kumulang na 100,000 Kapampangan OFWs ang naka-deploy sa iba’t ibang bansa.

Sinabi naman ni Jinggoy na prayoridad niya ang pag-unlad ng mga manggagawa, partikular ang OFWs. Naiintindihan din niya umano na kailangan talagang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang mga pamilya ng mga ito. Ang ganitong hakbangin aniya ay makadaragdag sa pagtugon nila sa kasalukuyan nilang mga panga-ngailangan at bilang paghahanda na rin sa pagdating ng panahon na hindi na sila babalik pa sa pagtatrabaho sa ibayong-dagat.

Bukod dito, ipinupursige rin ni Jinggoy ang ilang mga OFW-oriented na panukala tulad ng pagpapalakas ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act at ang pagtatatag ng Philippine Overseas Workers Bank (OFW Bank) at OFW Hospital.

 

Samantala, sinaksihan din niya sa okasyon sa lala­wigan ang paglagda ng isang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Admi-nistration at SM City Pampanga para sa pagtatayo ng mga satellite office ng POEA at OWWA sa natu-rang mall upang maging mas madali at mabilis ang pagproseso ng mga dokumento ng mga OFW.

* * *

Birthday greetings: Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo at Makati 2nd District Rep. Mar-Len Abigail Binay (Disyembre 12).

ALDO NING KAPAMPANGAN

CITY PAMPANGA

DISTRICT REP

GOVERNOR PINEDA

JINGGOY

MAR-LEN ABIGAIL BINAY

MIGRANT WORKERS AND OVERSEAS FILIPINOS ACT

MIRO QUIMBO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with