‘Namamaga ang gilagid’
Magandang araw po Doctor Elicaño at Merry Christmas.
Gusto ko pong itanong kung bakit laging namamaga ang aking gilagid. Hindi naman masakit pero pakiramdam ko ay parang umaalsa ito lalo na kapag ang kinakain ko ay maalat. Bukod sa namamaga ay nagdurugo rin ito. Ano po ang dapat kong gawin sa aking namamagang gilagid?” —ROSENDO BARUELO, Mayon St. Quezon City
Gingivitis ang tawag sa namamaga at nagdurugong gilagid. Kapag namamaga at nagdurugo ang gilagid, nagkakaroon ng bad breath. Hindi dapat ipagwalambahala ang namamaga at nagdurugong gilagid sapagkat darating ang araw na maaaring masira at maubos ang mga ngipin.
Pero maaari namang maiwasan ito kung kukunsulta sa lisensiyadong dentista. Sa ngayon ay marami nang mga makabagong gamot ukol sa gingivitis. Marami nang pamamaraan ang mga dentista para mapagaling ang may gingivitis.
Narito ang ilang payo ng dentista para maiwasan na magkaroon ng gingivitis:
• Patibayin ang inyong ngipin at gilagid sa pamama-gitan ng tamang diet. Ang malusog na ngipin at gilagid ay depende sa good nutrition. Iwasan ang mga matatamis na pagkain sapagkat ito ay nag-iiwan ng residue sa ngipin at gilagid. Dito magsisimula ang `pagkabulok’ ng ngipin.
• Huwag maninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng gum disease.
• Sundin ang mga payo sa oral hygiene program para mapigil ang ang plaque. Ang plaque ang tunay na kalaban sa pagkakaroon ng gingivitis. Kapag ikaw ay kumain o uminom may mga residue na tinatawag na plaque na nabubuo sa iyong bibig. Gawing regular ang pagpapa-checkup sa dentist para malinis nang todo ang nakakapit na plaque.
Mga dapat gawin para hindi magkaroon ng plaque: 1) Gumamit ng tamang toothbrush; 2.) Mag-floss araw-araw; 3) Gumamit ng mouthwash.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tips na aking binigay, maiiwa-san ang gingivitis at hindi maglalaho ang inyong mga ngipin.
Mapapanatili ninyo ang magandang ngiti.
- Latest