^

PSN Opinyon

Malakas ang negosyo ng baril!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAKAS nga siguro ang negosyo ng baril sa Pilipinas at sunod-sunod na ang mga nahuhuling nagpapasok ng mga piyesa ng baril at bala sa bansa. Dinadala na nga sa kanilang mga bagahe o kaya’y pinadadala sa koreo! Akala ay makakalusot na dahil hindi naman ganun karami katulad ng mga nahuli sa mga balikbayan box noon. May nahuli sa NAIA na nagpapasok ng mga baril, bala at piyesa ng baril, pero nakapagtataka at nakapagpiyansa! Ang alam ko walang piyansa ang paglabag sa illegal possession of firearms, lalo na kapag maraming kagamitan ang nahuli! Parang gunrunning na krimen!

Tapos kailan lang ay may nadiskubreng mga piyesa ng baril sa koreo na idineklara na mga tsokolate! Ganito ang mga estilo ng pagpasok ng piyesa ng baril ngayon. Ayon sa mga kilala kong mahihilig sa baril, mahal ang bentahan ng mga baril, bala at piyesa rito kumpara sa Amerika. Parang lumalabas daw na P100 kada $1 dolyar ang presyo! Kung ang isang baril o piyesa ay nagkakahalaga ng $100 sa Amerika, dito ay P10,000 na ang bentahan. Kaya siguro may mga nagpapasok ng iligal dahil maganda nga ang kita sa mga piyesa, lalo na kung hindi magbabayad ng tamang buwis.

Sa dami ng mahilig sa baril sa Pilipinas, mahirap sugpuin ang iligal na pagpasok ng baril, bala at piyesa ng baril sa bansa, lalo na kung mananatiling mataas ang presyo ng bentahan sa mga tindahan. Hindi ako magtataka kung may mga nakapuwesto sa gobyerno, o kaya’y malapit na malapit sa isang malakas o pinaka-malakas na opisyal sa gobyerno ang nagpapasok ng iligal na baril at kung anu-ano pang gamit na may kaugnayan sa baril.

Wala na sigurong ma­ga­gawa kundi maging ma­pagbantay nang husto sa mga puwedeng pasukan ng iligal na kagamitan. Sa koreo, sa mga pasahero ng eroplano, sa mga balikbayan box. Maliban na lamang kung ibabagsak ang presyo ng mga piyesa para maging mas mahal at delikado na ang magpasok ng sariling baril at piyesa. At kung may mahuli man, dapat ipataw kaagad ang batas sa kanya, dahil ganun naman dapat. Hindi ko talaga alam kung paano nakalusot ang isang nahuli sa NAIA. Sigurado napa-kalakas ng taong ito sa gobyerno. Sigurado! Baka ni hindi na kinasuhan, at ibinalik pa ang mga kontrabando sa kanya!

vuukle comment

AMERIKA

AYON

BARIL

DINADALA

GANITO

KAYA

KUNG

PIYESA

SIGURADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with