^

PSN Opinyon

Payo sa mga buntis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA aming programa sa radyo sa DZRH, naging panauhin namin si Dr. Pete Crisostomo, isang tanyag na Obste­trician at Gynecologist ng De La Salle-UMC Hospital sa Dasmariñas, Cavite.

Heto ang mga napakahalagang payo ni Dr. Pete Crisostomo:

1. Sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, kumain ng pagkain na mayaman sa Folic Acid. Ang folic acid ay tumutulong sa pag-iwas sa sakit sa utak, spinal cord at ugat (nerves) ng mga sanggol. Kapag nakakita kayo ng batang may bukol sa bandang ulo, batok o puwitan, po­sibleng dahil ito sa kakulangan ng bitamina ng nanay. Ang folic acid ay matatagpuan sa mga patatas, beans, peanut butter, ma-berdeng gulay tulad ng kangkong, malunggay, pechay at talbos ng kamote. Kumain ng 3 tasang gulay bawat araw.

2. Hangga’t maaari, huwag muna uminom ng kahit anumang gamot habang buntis. May mga side effect ang mga gamot na puwedeng makasama sa sanggol. Magtanong muna sa doktor.

3. Sa huling 3 buwan (mula 6 hanggang 9 na buwan), damihan ang mga pagkaing mataas sa Calcium at Iron. Sa mga panahong ito, kailangan ng sanggol ang mara­ming calcium (sa paggawa ng buto ng bata) at iron (sa paggawa ng dugo). Ang calcium ay makukuha sa gatas, yogurt, ice cream, keso, malunggay, dilis at sardinas. Ang iron naman ay matatagpuan sa atay, spinach, maberdeng gulay at sardinas din.

4. Maghintay ng 3 taon bago magbuntis muli. Mala­king stress ang pagbubuntis sa nanay. Lahat ng pagkain, sustansya ng bata ay kinukuha sa nanay. Kaya nga ang mga nanay na maraming anak ay marurupok na ang buto at nagiging anemic pa. Para maka-recover ang iyong katawan sa pagbubuntis, maghintay ng 3 taon bago sundan si beybi. Magplano ng pamilya.

5. Magbuntis bago mag-35 ang edad. Tunay ang kasabihan, “Kapag ika’y nagbubuntis, ang iyong isang paa ay nasa li­bingan na.” Totoo po ito, dahil hindi­ biro-biro ang pagbubuntis. May mga komplikasyon ang panga­nganak na puwedeng mamiligro ang buhay ng ina at sanggol. Kapag ang nanay ay lampas na sa edad 35, mas mahirap na ang pagbubuntis at tumataas na rin ang mga sakit tulad ng Down’s syndrome sa bata.

Tandaan, kumain ng tama, matulog ng maha­ba at umiwas sa mga bis­yo. Sa mga buntis, mag­pa­tingin ng maaga sa in­yong doktor. Napakahalaga ng pre-natal check-ups para sa mga buntis!

 

CAVITE

DASMARI

DE LA SALLE

DR. PETE CRISOSTOMO

FOLIC ACID

HANGGA

HETO

KAPAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with