^

PSN Opinyon

Kilos, MPD-Station 3!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DALA ng kahirapan sa buhay, maraming naninirahan sa loob ng Manila North Cemetery (MNC). Marami ring namumugad doon na mga halang ang kaluluwa. Ang MNC ang takbuhan at pinagtataguan ng mga holdaper at snatcher matapos mambiktima sa A. Bonifacio Avenue. Madalas ding pagdausan ang MNC ng pot session. Hindi na kasi ito sinosona ng Manila Police District-Station 3. Uso rin dito ang bentahan ng nitso. Marami rin ditong pekeng pari na lumulutang kapag may libing.

Mayroon ding raket ang sepulturero rito. Nanloloko ang mga ito sa paggawa ng nitso. Katulad ng reklamo ni Chairman Arturo Enriquez na naloko ni George Romero alias “Dodong” ng P50,000 sa tatlong nitso na ipinagawa niya noong Oct. 15, 2012. Ayon kay Enriquez nagkasundo umano sila ni Dodong na P25,000 muna ang paunang bayad para pambili ng materyales para matapos bago mag-Undas. Ngunit makalipas ang isang buwan bumalik si Enriqez kay Dodong upang alamin kung nagawa na ang tatlong nitso.

Nagulat si Enriquez dahil iilang hollow block at bakal ang nakatayo sa lote. Nang kanyang komprontahin si Dodong, binola-bola siya nito sabay hingi ng karagdagang P10,000 upang makumpleto na ang materyales. Sa kagustuhan ni Enriquez na matapos na ang mga nitso, nagbigay muli siya. Makalipas ang ilang linggo nagbalik si Enriquez. Subalit nadismaya siya sapagkat walang gumagawa sa mga nitso.

Lumapit si Enriquez kay MNC chief Edgardo Norega upang ireklamo si Dodong. Agad namang umaksyon si Norega. Binalaan niya si Dodong na palalayasin sa MNC kung hindi tutuparin ang usapan nila ni Enriquez. Doon na nagsimula ang problema ni Enriquez. Nagbanta umano si Dodong na may mangyayaring masama kay Enriquez.

Chief Noriega, pakihambalos mo si Dodong saka palayasin sa loob ng MNC. Kung patuloy itong maninirahan diyan, marami pa itong mabibiktima.

vuukle comment

BONIFACIO AVENUE

CHAIRMAN ARTURO ENRIQUEZ

CHIEF NORIEGA

DODONG

EDGARDO NOREGA

ENRIQUEZ

GEORGE ROMERO

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with