World Fisheries Day
TUWING Nobyembre 21 ay inoobserba ang World Fisheries Day bilang pagpapahalaga sa yamang-tubig (marine resources tulad ng isda, iba pang hayop at mga halaman sa dagat, ilog at lawa).
Ayon sa 2012 State of World Fisheries and Aquaculture Report ng United Nations Food and Agriculture Organization (UN FAO), tinatayang 131 milyong tonelada ng isda ang kinonsumo sa buong mundo noong 2011. Ito ay nagresulta ng overfishing sa mahigit two-thirds ng pangisdaan ng buong mundo laluna sa mga lugar kung saan ang ilang uri ng yamang-tubig ay malapit nang maubos ang lahi.
Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing bansa na pinagkukunan ng isda na kinokonsumo ng iba’t ibang nasyon, bagama’t marami sa resources na ito ay enda-ngered na. Mayroon tayong mga batas sa pangangalaga ng mga ito at ang ating mga mangingisda ay nakikiisa sa ganitong hakbangin dahil nauunawaan nila na ang kanilang kabuhayan ang apektado sa usaping ito.
Pero may mga dayuhang mangingisda na nagsasagawa ng iligal na paghuli at pati mga endangered ay kinukuha kasama ang mga coral na nagsisilbing tahanan ng mga ito.
Kaugnay nito, isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Bill No. 2919 (Anti-Poaching in Philippine Waters). Layon nito na palakasin ang kasalukuyang Fisheries Code (Republic Act 8550) sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Bantay Dagat system at pagpapabigat ng parusa sa poachers.
Magtulong-tulong tayo sa pangangalaga ng yamang-tubig. Ito ay para sa kapakinabangan nating lahat at mga susunod pang henerasyon.
* * *
Happy birthday: Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing, Una ang Pamilya partylist Rep. Reena Concepcion Obillo at Bantayan, Cebu Mayor Ian Christopher Escario (Dec. 3).
- Latest