^

PSN Opinyon

‘Mga sariwang peklat’ - Unang bahagi

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG timbang puno ng tubig ay mistulang karagatan. Bundok ang tingin sa tumpok na graba. Ang bukirin at damo ay iisa.

Ganito kalawak ang paningin ng isang bata sa mga simple’t maliliit na bagay. Hindi alam ang mali, ang tingin sa lahat ay tama subalit pagdating ng araw unti-unti ring makikita ang pangit na panig ng buhay…

Ganito nagkamalisya ang bagay na paulit-ulit na ginagawa ng isang ama sa noo’y 7 taong gulang na musmos.

“Patutulugin niya kami sa tanghaling magkakapatid. Dun na niya gagawin…” pagbabalik tanaw ni ‘Kathryn’.

Nagsadya sa aming tanggapan Si Kathryn (di tunay na pangalan) 13 anyos na ngayon. Kasama niya ang inang itatago sa alyas na “Malen”, 41 anyos.

Nirereklamo ni Malen ang mismong asawa na si Daniel “Danny” Delos Santos, 50 taong gulang.

“Nung una pa lang alam ko may ginagawa na siya sa anak ko, pero ‘di ko binigyan ng malisya...” wika ng ina.

Ang mga kahina-hinalang kilos ng asawa na dalawang beses niyang naaktuhan, ang tinuturong isa sa mga dahilan ni Malen kung bakit iniwan niya at ng tatlong anak si Danny.

“Nung minsan, natutulog kaming magkakatabi ng mga bata, naramdaman ko na lang na kinuha niya si Kathryn sa kama at pinatong sa kanyang dibdib,” kwento ni Malen.

Babalewalain lang sana niya ito subalit biglang ipinasok ng mister ang kamay sa loob ng kanyang ‘brief’.

Sa pagkagulat, walang nagawa si Malen kundi yakapin ng mahigpit ang asawa.

“Nagduda ako pero inisip ko baka lasing lang… baka naglalambing,” pilit pinaniniwala ni Malen sa sarili.

Taong 1995 pa nang ikasal sila Malen at Danny. Bente kwatro anyos nun si Malen, 32 taong gulang naman ang lalake.

Aminado si Malen na ang pakikipagrelasyon kay Danny ay parang bolang tumalbog papunta sa kanya lamang. Kahihiwalay lang ni Malen nun sa dating ‘boyfriend’.

Hindi man lubusang kilala, apat na buwan mula ng maging magkarelasyon kinasal na sila agad. Sa magulang ni Malen sa Quezon City sila tumuloy.

Taong 1996 ng ipanganak ni Malen ang kanilang panganay na itatago rin naming sa pangalang “Karl”, 16 anyos.

Kwento ni Malen, iresponsable ang mister. Mahilig magsugal at magsabong kaya’t kakapanganak pa lang niya nilayasan niya ito.

Nagpunta siya ng Brunei at nagtrabaho bilang ahente ng libro. Galit man sa asawa, binigyan niya ito ng pagkakataon na magbagong buhay.

Pinasunod niya ito sa Brunei kung saan siya naging ‘kusinero’.

Pagbalik sa Pinas nasundan ang kanilang anak. Taong 1999, isinilang si Kathryn.

“Napaaga ang pangangak ko matapos akong isalya ni Danny sa pader,” pagsasalarawan ni Malen.

Tiniis ni Malen ang pagiging isang ‘battered wife’. “Gusto ko ng kumawala pero hindi ako sumuko,” ayon kay Malen.

Sa pagtitiyaga ng misis, tinulungan niya si Danny na makapunta ng Korea nung July 2000 bilang isang ‘factory worker’.

Tatlong buwan pa lang siyang nandun, na-‘Hit and Run’ siya habang pauwi galing daw ‘beer house’. Sa tindi ng pagkakabundol na-comatose si Danny.

Nang makarating ang balita kay Malen, sinundan niya ang asawa sa Korea. Parang lantang gulay si Danny ng kanyang datnan.

Nang magkamalay, nagkaroon naman si Danny ng mga ‘hallucinations’.

“Panty ni ano ‘toh ah… tago mo sa sampayan!” sambit daw ni Danny habang ngumingisi.

Paniniwala ng asawa, nasobrahan sa pagbe-beer house ang mister kaya ganito na lang siya mag-isip. Unti-unting umayos ang kundisyon ni Danny kasabay ng pagkasabik niya kay Malen.

“Habang pinapaliguan ko siya sa ospital, inaya niya ko makipag-seks. Pinigilan ko siya pero sabi niya nanabik siya. Nagtalik kami kahit nakaswero siya!” kwento ng misis.

Nagkatrabahong muli ang mag-asawa sa Korea. Panibagong buhay na sana ang naghihintay sa kanila subalit wala naman daw pinag-iba ang mister.

“Nagpa-convert kami ng Christian pero mabait lang siya sa simbahan pagdating sa bahay demonyong may sungay,” wika ni Malen.

‘Sing bigat ng kamay ni Danny ang katawan sa tuwing papatong kay Malen kaya’t nasundan muli ang kanilang anak habang nasa Korea nung taong 2003.

Pag-uwi sa Pinas taon 2006, sa unang pagkakataon nakasamang muli ng mag-asawa ang dalawang anak na naiwan sa ina ni Malen sa Quezon City.

Dito na umano nakaranas ng pang-aabuso si Kathryn.

Hindi nagtagal umalis sa Q.C sina Malen at bumukod.

“Nainis ang mga tao sa bahay. Kung saan-saan siya umiihi. Ilalabas niya lang ang ari niya walang pakialam kung makikitang iba. Titihaya… bubukaka walang paki alam kung makita na itlog niya,” ayon kay Malen.

Sa Baesa sila tumuloy mula taong 2007. Nagpalit ng posisyon sina Malen at Danny. Si Malen na ang kumayod at tumayong tatay. Si Danny naman ang inawan sa bahay at tumutingin sa tatlong anak.

Isang gabi…buwan ng Abril taong 2008, habang gumagawa ng ‘report’ si Malen sa sala. Narinig niyang may malakas na lumala­ngitngit sa kanilang kwarto.

Dahan-dahang umakyat sa hagdan si Malen. Patay ang ilaw… binuksan niya ito. Nagulat siya ng makita ang asawang nakadapa sa ibaba ng kama ni Kathryn.

“Oh! Anong ginagawa mo dyan?” pagdududa ni Malen.

“May hinahanap lang ako…” sabi ni Danny na noo’y hapo at nagbubutil ang pawis.

Naglalaro sa isip ni Malen ang mga bagay na maaring ginagawa ni Danny. Gusto niyang isa walang kibo ito subalit naintriga siya kung anong hahanapin ng asawa dis oras ng gabi, habang nakapatay ang ilaw…  kung saan galing ang langitngit?

Tinitigan niya ang asawa…tagos hanggang laman ang kanyang tingin. Halos matunaw si Danny. Tinitigan din siya, akmang lulusubin…

ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito. EKSKLUSIBO sa BIYERNES dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Sa gustong dumulog ang aming mga numero 09198972854 (Monique) 09213263166 (Aicel) at 09213784392 (Pauline). Ang aming Landline 638.72.85 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Bukas kami Lunes-Biyernes.

DANNY

KATHRYN

LANG

LSQUO

MALEN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with