Facebook tips para sa OFWs
MAHILIG ka bang mag-facebook?
Ang mga facebook sites na binibisita ko ay ang (1) Pinoy Radio Online at (2) Ako c Kim, at OFW World. Kung wala kayong ginagawa, dumalaw kayo sa mga facebook pages na ito para i-like sila. May mga health tips doon.
Sa Pinoy Radio Online (PRO), puwede din kayo makinig ng music dahil may mga DJs sila. Nakilala ko sina DJ Foxy, DJ Alvin at DJ Shaula sa PRO site. Naka-facebook ka na, nakikinig ka pa sa music nila.
Dahil karamihan ng mga Facebook readers ay OFWs, mayroon akong mga payo para sa kanila:
1. Diyeta – Nasisira ang diyeta ng OFWs sa abroad. Tulad ng mga nasa Saudi Arabia, puro karne at kambing daw ang kinakain nila araw-araw. Alam naman natin na mataas ito sa taba at kolesterol. Dahil dito, posibleng bibigat at tataas pa ang presyon ng dugo. Kumain pa rin ng kanin, gulay at prutas kung mayroon man.
2. Limitahan din ang pagkain ng mga spicy o maaanghang na pagkain. Ito’y puwedeng magdulot ng pananakit ng tiyan, ulcer at almoranas.
3. Uminom ng 8-10 na basong tubig araw-araw para maprotektahan ang iyong kidneys.
4. Ehersisyo – Maglakad, mag-sit up, mag-bending o sumayaw para mapawisan ka. Kung may DVD, sumunod sa mga aerobics na palabas. Bumili ng dumbbell para lumakas ang braso.
5. Iwas sa bisyo – Dahil nga walang libangan sa abroad, maraming OFWs ang nalululong sa bisyo. Dinadaan na lang sa alak, sigarilyo, babae at pagkain ng bawal. May pasyente akong tumataba ng 20 pounds kapag nanggaling sa abroad. Maglibang na lang sa kuwentuhan at huwag na sa inuman.
6. Dalhin ang iyong gamot at medical records –
Mahirap magpagamot sa ibang bansa kaya kailangan mong magdala ng sapat na dami ng iyong gamot. I-xerox ang lahat ng iyong medikal rekords at ilagay sa isang folder. Kahit CBC, X-ray at 2D Echo ay napakahalaga na para sa doktor mo sa abroad. Mabuti ang laging handa.
7. Homesick – Oo, talagang mas malungkot sa abroad kaysa dito sa atin. Pero dapat din natin isipin ang tadhana natin sa buhay. Kung nandito ka at wala namang mapasukang trabaho, sa tingin ko ay hindi rin masaya ang iyong pamilya.
Pagkatapos ng ilang taon at may ipon ka na, makakasama mo na ang iyong pamilya na naghihintay sa iyo. Manood at magbasa ng masasayang bagay lamang. Sa ganitong paraan ay sasaya ka rin. At magdasal palagi at huwag mawawalan ng tiwala sa Diyos.
God bless po.
- Latest