^

PSN Opinyon

Mas masakit kapag bumabagsak na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SI Lance Armstrong ay ang Amerikanong siklista na sumikat dahil sa dalawang bagay – isa siyang cancer survivor, at nanalo sa Tour de France, ang pinaka-mahirap na karera ng bisikleta sa buong mundo, ng pitong sunod-sunod na beses! Tinanghal na pinakamagaling na atleta sa buong mundo dahil sa mga nangyari sa kanya, at sa kanyang mga nagawa. Dahil sa kanyang mga tagumpay, nakapagtayo ng Lance Armstrong Foundation, na tumutulong sa mga may sakit na cancer. Siya ang nagpasikat ng mga dilaw na bracelet na may nakasulat na “Live Strong”. Napakaganda ng kanyang kuwento at pangyayari sa buhay, at kakaiba nga naman talaga ang kanyang nagawa bilang isang atleta, at isang may sakit na cancer. Hanggang sa may nagsumbong ng katotohanan.

Inakusahan siya ng paggamit ng mga tinatawag na “performance-enhancing drugs” para magawa niya ang mga hindi basta-basta nagagawa ng isang atleta. Alam natin na malaking isyu ang paggamit ng mga gamot na ito sa larangan ng palakasan. Kahit si Manny Pacquiao ay hindi ligtas sa mga akusasyon na gumagamit daw siya ng mga gamot na ito, kaya siya malakas. Walang ebidensiya na gumagamit nga ang ating kampeon ng mga gamot na ito. Sa Olympics, may mga biglang sumasailalim sa testing para makita kung gumagamit nito. Kapag nalaman na gumamit, diskuwalipikado kaagad, walang tanong-tanong.

At ganito na nga ang nangyari kay Lance Armstrong. Hindi niya itinanggi na gumamit siya ng konti ng mga gamot, pero sapat na ang konti na iyon para sirain ang kanyang imahe bilang isang malinis na atleta. Binawi ang lahat ng kanyang panalo sa Tour de France, at bumitiw na siya sa kanyang Foundation. Kumalas na rin ang ilang produkto mula sa kanya. Sa madaling salita, bumaliktad ang mundo, dahil lamang sa ilang gamot.

Mahirap talaga kapag ang tagumpay mo sa buhay ay mula sa masamang pamamaraan. Maging saan pa man – sa sports, sa negosyo, sa gobyerno, sa kaibigan, sa pamilya. Kapag nasiwalat na ang tagumpay mo ay dahil may ginawa kang iligal, balewala ang lahat na ito. Ano ang mapapala mo kung sumikat at yumaman ka nga pansamantala, at mapapahiya naman sa huli? Ganito ang nangyari kay Lance Armstrong. At mukhang ganito na rin ang mangyayari sa isang dating presidente ng Pilipinas, kung matuloy na nga ang pagdinig ng kanyang mga kaso. Mas masakit kapag bumabagsak na talaga, nang wala nang sasalo!

 

ALAM

AMERIKANONG

KANYANG

KAPAG

LANCE ARMSTRONG

LANCE ARMSTRONG FOUNDATION

LIVE STRONG

SA OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with