^

PSN Opinyon

‘Bakit may nagkaka-polio?’

WHAT’S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - Pilipino Star Ngayon

“Good day po, Dr. Elicaño. Gusto ko lamang pong ma-laman kung bakit may nagkaka-polio at ano ang dahilan nito? May namamatay po ba sa sakit na ito? Salamat po, Doc.’’ ---SUSAN ACUZAR, Craig St. Sampaloc, Manila

 

Poliomyelitis ang tawag sa virus na nagiging dahilan ng infection. Ang mga paa ang karaniwang tinatamaan ng infection kaya napaparalisa at lumiliit ang mga ito. Karaniwang mga bata ang tinatamaan ng infection.

Sintomas ng polio ay lagnat, pagsusuka, pagtatae, pananakit ng ulo at sorethroat. Kasunod ng sintomas ay ang pananakit ng mga kalamnan, panghihina at paninigas ng leeg.

Naisasalin ang polio virus sa pamamagitan ng paghawak sa respiratory secretions at maaari rin sa pagsinghot o paglunok. Nagiging dahilan ng kamatayan ang polio kapag nagkaroon ng kumplikasyon ang bacterial infection.

Ang pinaka-delikadong uri ng polio ay ang bulbar na maaaring pangsumandali o permanente ang pagkaparalisa ng paghinga.

Napipigilan ang pagkalat ng polio sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa virus. Ang mga sanggol, bata at nakatatanda ay nararapat magpabakuna lalo na kung sila ay naka-exposed sa mga taong may polio. Ang mga magbibiyahe sa ibang bansa na laganap ang polio ay dapat din namang magpabakuna para makaiwas sa sakit. Ang polio virus ay namamayani sa panahon ng summer. Halos lahat ng bansa sa mundo ay kakikitaan ng polio virus.

CRAIG ST. SAMPALOC

DR. ELICA

KARANIWANG

KASUNOD

NAGIGING

NAISASALIN

NAPIPIGILAN

POLIO

SINTOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with