^

PSN Opinyon

Republika magugunaw kung watak-watak tayo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon


BUO ang loob ng Tsina sa territorial claims. Sabay-sa­bay niyang sinasagupa ang Russia, Japan, South Korea, Taiwan, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Pilipinas sa pag-angkin ng mga isla sa karagatan sa East Asia. Pati India, Singapore, Indonesia, Australia at America ay sinisinghalan niya dahil sa umano’y pagsuporta sa mga kaaway niya.

Kung ikukumpara sa America o Russia, mahina ang navy ng Tsina. Wala rin panama ang Tsina sa air force ng Britain, na tiyak kakampi sa Australia kung sakaling magkasagupaan.

Pero malakas ang ekonomiya ng Tsina. Pumapa-ngalawa na ito sa America. At kung magkatotoo ang tantiya ng mga eksperto, mangunguna na ito sa mundo sa loob ng isang dekada. Kasama sa sigla ng ekonomiya ng Tsina ang pag-aalaga ng gobyerno sa kalusugan at katiwasayan ng mga mamamayan.

Sa elementarya pa lang, itinuturo na sa mga batang Tsino na sa kanila ang Spratlys, Paracels, Macclesfield Bank, at mga isla at bahura sa gilid ng Japan, Korea, Russia, at Palawan (Pilipinas). Wala man batayan, iniuukit sa utak ng mga Tsino na sila at sila lang ang may karapatan sa mga laman ng dagat na pagkain, langis, at rare earth metals.

Samantala, halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay isang kahig-isang tuka. Hindi bababa sa tatlo sa bawat sampung pamilya ang dukha at gutom, malnourished, walang bahay, at walang pirming kita. Nag-aaway-away pa ang mga Pilipino dahil sa mababaw na isyu: wika, pulitika. relihiyon, kriminalidad, pati artista.

Malinaw na pagkagunaw ng republika ang hinaharap ng Pilipinas. Hindi makakatindig ang Pilipinas laban sa Tsina, miski marami ang kakamping bansa, dahil ayaw nating magkaisa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa-bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BRUNEI

EAST ASIA

MACCLESFIELD BANK

PATI INDIA

PILIPINAS

SOUTH KOREA

TSINA

TSINO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with