^

PSN Opinyon

'Bilyong piso ang nawawala'

DURIAN SHAKE - The Philippine Star

Bilyong piso ang nawawala sa kikitain sana ng pamahalaan dahil sa paglago ng black market na bumibili ng mga ginto mula sa Southern Mindanao, partikular na sa gold-rush site sa Mt. Diwalwal, Monkayo at maging sa mga bayan ng Maco at Pantukan sa Compostela Valley.

Ayon kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region XI chief Edilberto Arreza, nalulugi ang gobyerno ng bilyong piso dahil nga sa bentahan ng gold sa black market at hindi na dinadaan sa buying station ng Bangko Sentral ng Pilipinas dito sa Davao City.

Mas malakas ang black market kung ikukumpara sa volume ng ginto na dumadaan sa BSP. Ang Apex Mining Corporation sa Maco ang nag-iisang dumadaan sa BSP at ang nagsa-submit ng report sa kinauukulan tungkol sa kanilang mga transaksyon.

Inamin naman ni Arreza na wala nga raw silang record ng mga transaksyon na ito sa black market at lalong wala silang alam sa movement ng ginto sa rehiyon kaya ganun na lang ang naging resulta na wala ngang revenue ang gobyerno nito at bilyong piso na ang nalulugi nito.

Sinabi ni Arreza na noong February ang huling malaking volume na nakuha ng BSP na umabot nga raw ng P800 million ngunit ito ay bumagsak sa P80 million sa susunod na buwan simula nang pinatupad ng Bureau of Internal Revenue ang pagkuha ng excise tax sa bawat transaksyon sa BSP.

Kaya ang nangyayari ay lahat ng mga small-scale miners ay sa black market nila binibenta ang kanilang gold ore.

At kung tutuusin, mas mahal nga raw ang bilihan sa black market at ang ginto ay inaangkat na sa mining site mismo at hindi na kinakailangang gumastos pa ang mga minero sa transportasyon kung kailangan nilang sa BSP magbenta ng kanilang ginto. Dagdag gastos din ang expenses sa security dahil nga may kalayuan ang Davao City sa Compostela Valley.

Tiba ang black market at ang mga financiers at operators ng gold-rush sites dito sa rehiyon ngunit kawawa naman ang pamahalaan dahil nga walang revenue na napupunta rito.

Ganito na ang sitwasyon kahit noong 1980s nang nagsimula ang small-scale mining sa Compostela Valley at maging sa Davao Oriental. Tinatayang umaabot na sa sobra 200,000 ang mga minerong nakipagsapalaran sa mga gold-rush site na ito.

Ilang landslides na rin ang nangyayari at ilang daang minero na rin ang namamatay ngunit hindi pa rin umaalis ang libo na­ting kababayan sa mga gold-rush sites sa Compostela Valley.

At nakatakdang ipatutupad sa Oktubre 25 ang implemen­ting rules and regulations (IRR) ng Executive Order No. 79 na nilalayong maging daan sa reporma at pagpalakas ng mining industry sa bansa.

Kakayanin kaya ng EO 79 ang lakas ng black market?

ANG APEX MINING CORPORATION

ARREZA

BANGKO SENTRAL

BLACK

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO CITY

DAVAO ORIENTAL

EDILBERTO ARREZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with