^

PSN Opinyon

Hustisya sa Pinay na inabuso sa Kuwait

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - The Philippine Star

 KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nangilabot sa napaulat na panggagahasa at pananaksak sa isang Pinay ng umano’y isang pulis sa Kuwait. Ang biktima ay 27 anyos at taga-T’Boli, South Cotabato. Nagtungo siya sa Kuwait noong September, 2006 at namasukang household service worker. Nagtrabaho rin siya sa isang dress shop doon.

Ang suspek umano ay isang corporal sa General    Traffic Department ng Kuwait.

Ayon sa report, noong gabi ng Setyembre 30, 2012, nanggaling ang Pinay sa isang isang mall sa Sixth Ring Road kasama ang kaibigan. Nakasakay sila sa taxi pauwi sa Farwaniya nang parahin sila ng pulis na nasa patrol car.

Apat na araw nang expired ang visa ng Pinay at nire-renew pa ito. Ang kanyang kaibigan ay maayos ang visa kaya pinauwi na ito ng pulis. Isinama siya ng pulis sa patrol car at sinabing dadalhin sa South Surra police station.

Pero sa isang madilim na lugar dinala ang Pinay at ginahasa at pinagsasaksak sa leeg. Iniwan ito sa kalsada sa pag-aakalang patay na. Ayon sa Pinay, nagising siya na nasa Mubarak Al Kabeer Hospital. Naaresto ang pulis at kinilala ng Pinay. Ngumisi lang daw sa Pinay ang pulis. Ayon pa sa Pinay nagtungo raw sa ospital ang kamag-anak ng pulis at inalok siya ng areglong 100 Kuwaiti Dinar. Tinanggihan ng Pinay.

 Sinabi ni Dalidig Ibrahim Tanandato, hepe ng Assistance to the Nationals Unit ng Philippine Embassy na tinutulungan nila ang Pinay. Ayon kay Jinggoy, kailangang walang mangyaring aregluhan at tiyaking makakamit ng Pinay ang hustisya.

* * *

Happy b-day YACAP party-list Rep. Carol Jayne Lopez (Okt. 12) at Cebu Rep. Eduardo Gullas (Okt. 13).

AYON

CAROL JAYNE LOPEZ

CEBU REP

DALIDIG IBRAHIM TANANDATO

EDUARDO GULLAS

ISANG

KUWAITI DINAR

MUBARAK AL KABEER HOSPITAL

NATIONALS UNIT

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with