^

PSN Opinyon

Peace Pact sa Bangsamoro

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

IPAG-pray natin na maging susi ang kasunduang nara-ting ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ikatatamo ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Payag na ang gobyerno na itatag ang bagong political entity na Bangsamoro kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Batid natin na noong araw ay gustong magkaroon ng kasarinlan bilang malayang bansa ang mga kababayan nating Muslim na kung tawagin ang sarili ay Bangsamoro. Bangsamoro Republic. Dahil sa pagkontra ng pamahalaan sa panukalang ito’y halos walang puknat ang kaguluhan sa Mindanao. Pero sabi nga, walang hindi naaabot sa mahinahong usapan.

Imbes na kahiwalay na bansa ay sumang-ayon na ang liderato sa isang autonomous region na may laging tumanggap ng mga foreign aid at may sarili ng pamahalaan ngunit sakop pa rin ng Pilipinas.

Wala pang malinaw na detalye hinggil sa balangkas ng kasunduang ito na nilagdaan ni Presidente Noy sa pamunuan ng MILF pero kung “lasting peace” ang puntirya nito para magtamo ng sustainable development ang rehiyon, bakit tayo tututol?

Ayaw kong maging pessimistic pero alam natin na may ibang sector na mga Bangsamoro din na may sariling interes. Ang MILF mismo ay may tinatawag na breakaway group na hindi kumakawala sa hardline stance nito na maglunsad ng pakikidigma.

Naririyan din ang bandidong grupong Abu Sayyaf na bagamat itinuturing na mga tulisan ay malakas ang impluwensya sa rehiyon.

Isipin din na noong araw, walang MILF kundi MNLF lang (Moro National Liberation Front) sa pamumuno ni Nur Misuari na ang adbokasya ay magtatag ng malayang republika. Pero dahil nga sa kawalan ng pagkakaisa ngmga grupo, ipinanganak ang MILF.

Kung MNLF lang ang ka­­ usap, wala sigurong problema at makatitiyak tayong matatamo ang kapayapaan. Pero tayo’y nag-aanalisa lang. Huwag sanang humantong sa puntong kinatatakutan natin ang kasunduang ito at matiwasay na maipa­tupad para sumigla ang ekonomiya sa Mindanao.

ABU SAYYAF

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO

BANGSAMORO REPUBLIC

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

NUR MISUARI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with