^

PSN Opinyon

Editoryal - Sin Tax bill, h'wag nang patagalin

- The Philippine Star

ALAM n’yo bang 10 Pinoy ang namamatay bawat oras dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo? Ang lung cancer ang nangunguna sa mga sakit. At alam n’yo rin bang karamihan sa mga namamatay ay mula sa mahihirap na Pinoy. Umano’y 18 milyong Pinoy ang naninigarilyo. Ang halaga ng isang stick ng sigarilyo ay P1.00. Madali lang ilabas ang P1.00 sa bulsa kaya naman patuloy ang paninigarilyo ng mga Pinoy. Mayroong ibibili na lamang ng pagkain ay aagawin pa at ibibili ng sigarilyo. Hindi kayang iwasan ang bisyong sigarilyo. Malakas ang hatak ng usok ng sigarilyo na kahit mangutang ay gagawin para may maibili kahit isang stick lang.

Isa sa mga paraan para maiwasan ang paninigarilyo at mabawasan ang mga mamamatay sa sakit ay ang pagtataas sa tax ng produktong ito. Kung itataas ang tax ng yosi, tataas ang presyo nito. At dahil mahal, maaaring i-give-up na ang bisyo. Lalabanan na ang matinding pagkahayok sa bisyong ito. Ititigil na ang pagkasugapa sa sigarilyo.

Kapag napagtagumpayan ang pagsipa sa bis­yong yosi, wala nang magkakasakit. At kapag wala nang magkakasakit, makakatipid ang pamahalaan nang malaki. Wala nang gagastusang pasyente na may lung cancer, throat cancer at iba pang nakakamatay na sakit dahil sa paninigarilyo.

Magkakaroon lamang ng katuparan ang lahat nang ito kung ipapasa na ang Sin Tax bill. Ang panukalang batas na ito ang magtataas ng buwis sa sigarilyo at alak. Dalawang mahalagang bagay ang mapapakinabang kapag ipinasa ang Sin Tax bill: Maililigtas ang mamamayan sa pagkakasakit at kikita nang malaki ang pamahalaan sa buwis. Ayon sa pamahalaan ang kikitain sa Sin Tax ang itutulong sa mga maysakit na nasa ospital ng pamahalaan.

Hindi na sana mag-atubili ang mga senador sa pagpapasa ng Sin Tax bill. Isipin na lamang ang kabutihang idudulot ng panukala sa nakararaming Pinoy. Aprubahan na ito ngayon para mawala na rin ang killer ng mga mahihirap.

APRUBAHAN

AYON

DALAWANG

ISA

ISIPIN

ITITIGIL

KAPAG

PINOY

SIN TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with