^

PSN Opinyon

Isang taon na, wala pa rin?

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

WALA na sa bansa ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, mga opisyal ng Palawan na akusado sa pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega. Napagalitan nga ni President Aquino ang Bureau of Immigration dahil maliwanag na nagkulang sila sa kanilang tungkulin. Pero sa kaso ni Army retired general Jovito Palparan, hindi pa matiyak ang kanyang kinaroroonan. Umusad na nga ang kasong illegal detention and kidnapping laban kay Palparan, at iba pa sa pagdukot sa UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Hindi pa alam kung nasaan ang dalawa, o kung buhay pa.

Isang testigo na biktima rin umano ng torture sa isang kampo sa Bataan, ang itinuro si Lt. Col. Felipe Anotado na madalas kasama ni Palparan sa nasabing kampo at kasama sa pag-torture sa dalawang estudyante. Kung ano ang dulot na banta ng dalawang estudyante sa seguridad ng Pilipinas ay hindi ko alam. Ano ang magagawa nila sa bansa, na kailangan silang dukutin at i-torture? Kung kontra sila sa gobyerno, hindi ba’t pinapayagan naman iyan sa isang demokrasyang bansa? Maliban na lamang kung sila’y humahawak din ng baril at nakikipag­sagupa sa mga sundalo.

Mag-iisang taon na ang pagdinig ng kaso laban kay Palparan at iba pa niyang kasamahang sundalo. Pero ni anino ni Palparan ay hindi na makita mula nang pigilan siya sa Clark Airport, Pampanga habang paalis ng bansa. Mayabang pang nagpahayag si Palparan na haharapin daw niya ang lahat ng paratang sa kanya. Nasaan na ang matapang na heneral ngayon? Nabahag na ba ang buntot niya sa takot?

Dapat paigtingin pa ng gobyerno ang pagha­hanap kay Palparan. Siguradong may koneksiyon ang heneral kaya nakakalusot sa lambat ng otoridad. O baka naman hindi siya hinahanap ng awtoridad dahil na rin sa kanyang mga koneksyon sa militar at pulis! Dapat dayuhan ang arkilahin para hanapin si Palparan at nang hindi maimpluwensiyahan ninuman! Sa tingin ko, kung Pilipino lang ang magha­hanap sa puganteng ito, walang mangyayari! Isang taon nang nawawala? Ganun ba kahirap maghanap ng tao sa Pilipinas, maliban lang kung nakaalis na?

BUREAU OF IMMIGRATION

CLARK AIRPORT

DAPAT

DR. GERRY ORTEGA

FELIPE ANOTADO

ISANG

JOVITO PALPARAN

KAREN EMPENO

PALPARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with